Kung bibigyan ako ng magandang memorya ng Diyos at maaalala ko pa lahat ng mga nagawa ko mula bata.. Di ako magdadalawang isip na ikwento ito sa anak at mga apo ko. Naalala ko nung grade six ako, lagi ko sinasabi sa sarili ko na gusto ko ma experience lahat ng kalokohan para masaya. Ngayon, masasabi kong hindi man lahat nagawa ko pero alam kong sapat na yun para sa akin.
Tulog-tulugan days – Ito yung mga panahon na nag tutulog-tulugan ako sa tanghali para makalabas ako sa kalye pagkatapos. Isang oras lang naman ang kailangan para masabi mong “natulog” ka e. Eto pa yung tipong kalahati lang na nakasara ang mata ko para alam ko kung nanjan ba si yaya o wala.
Iwanan-ng-bus days – Ito yung pag naiiwan ako ng bus sa school kasi hindi ko napapansin ang oras dahil sa kakalaro. Ten-twenty, Fairy-fairy-han, dodgeball at kung ano pa. Nung nag highschool ako, sinasadya ko na talagang magpaiwan sa bus noon para mas matagal ko pang makasama ang crush ko. AHAHAHAHA
Cutting – Wala itong koneksyon sa arts o sa home economics. Ito ay ang isang aktibidad na kung saan ay hindi ka sisipot sa klase mo at magpapatay malisya ka para hindi ka mahuli ng titser. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ito nagawa pero nakakatawa lang kasi bago mag graduation nung highschool tska lang ako nahuli. Muntik akong ma “non-marching” pero napatunayan ko naman na hindi ko talaga ito sinasadya. AHAHAHAHAHAHA (ulit).
Lasing sa klase – Hindi ko ito makakalimutan nung una ko tong nagawa. Highschool ako non, hindi pa nagsisimula ang klase kaya nasa “tambayan” pa kami nun ng kaibigan ko. Nagdala siya ng gin tapos linagay niya sa thermos. Linagok ko lang naman ang gin ng walang chaser. Sakto.. lasing ako sa 1st subject palang. (thanks Mon Calvento!).
Hindi na ito bago nung college kasi pag hindi mo ito na experience noon, hindi ka cool. Tablado ka sa block! So yun. Hindi lang lasing ang nangyari sakin dati……
Inom-na-parang-wala-ng-bukas moments – Ito na ata ang pinaka gasgas na moment sa akin noon kasi parang nauulit ulit lang palagi ang pangyayari. Iba’t-ibang lugar nadin ang nakasaksi ng pagkalasing ko. Ultimo ibang bansa hindi ko pinatawad! “Nagsimula sa patikim tikim.. pinilit kong gustuhin. Bisyo’y nagsimulang lumalim.. kaya ngayon ang hirap tanggalin….”
Di ako lasing.. Nakainom lang……….BLAG!
Pero isa sa mga highlights sa mga lasingan days ko ay nung nag class outing kami sa Baguio nung college! YESSIR! Hindi ko malaman kung sinapian ako ng masamang espiritu o talagang nilamon na ako ng alak nun! Salamat kay Gino kasi sa kagustuhan niyang bantayan ako, hanggang sa pagtulog di niya natanggal ang sapatos niya. CHAMPION!
Freebies – Libre ang candy sa candy corner kasi pwede naman pala makuha iyon ng libre *wink*
KODIGO mo, itago mo! – Hindi ako magmamalinis kasi kung hindi sa kodigo, hindi ako makakapasa sa trigonometry nung highschool! Sakit sa bangs meyn! Hindi na masyado uso ang taguan ng kodigo nung college kasi lantaran na ako mangopya noon. Its either nasa transparent folder ko ang notes ko o talagang garapalan sa pakikipag palit ng test paper sa klasmeyt ang style. Uy pero hindi naman lahat ng exams nangopya ako. Magaling ako noon pag essay ang exam. Perfect nga ako nun sa world history. Kthanksbye.
Blue-skies – Ito ang mga lakwacha sa gabi na inaabot ng umaga. Minsan hindi ito planado kaya kung ano ano nalang na palusot ang naiisip ko. Hindi pa ako nakakadating sa bahay, alam ko na ang mga linya na sasabihin ng nanay ko sakin. Kumbaga sa radio station e.. KAILANGAN PA BANG IMEMORIZE YANNNN?!
Pinahawak-lang-saakin – Oo, pinahawak lang sa akin tapos ako na ang nagtago kaya ako nangamoy yosi. Pwede ding, kulob ang lugar kaya kumapit sa buhok ko yung amoy. Matatawa ata ako pag ang sarili ko nang anak ang nagsabi sa akin nito. Tatawa ako ng malakas sabay sapok!!! Uhm! Di ka pa nagtanda!!!
Wala-akong-maalala – Wala………………di ko nga maalala kasi wala ako sa sarili nun!
-------------------------------------------------------------------------------------
Pinagpasyahan ko na hanggang dito nalang ang pagsiwalat ng aking mga kalokohan noon para hindi naman tuluyang masira ang malinis kong pangalan haha! Baka kasi kung ano pa ang makwento ko na hindi naman dapat ng ikwento. “ma carried-away” ya know!
Madami pa.. hindi ko na nga masyado matandaan ang iba ko pang kalokohan. Kung makikipagkwentuhan ako sa mga close friends ko nung mga panahon na yun, mas madami pa ata silang maaalala kesa sa akin.
Madami man akong nagawang kalokohan noon, hindi ko ito pinagsisisihan. Dahil kahit maloko ako, hindi naman ako nagpakalunod sa ganon. Masyadong malakas ang konsensya ko na minsan nga siya nalang ang nagsasalita hindi na ako.
Ngayon.. namimiss ko ang dati. Masasabi ko kasi na nadala na din sa edad ang pagiging steady ko. Nagawa ko na lahat ng kalokohan na gusto ko gawin kaya kalian man hindi ako maiinggit sa iba. Husgahan man ako ng taong nakabasa nito, wala akong pakealam. Dahil ako nasulit ko ang dati.. Problema ko na kung paano ko susulitin ang ngayon =)
Para sa mga kaibigan ko noon hanggang ngayon na kasing loko at kulit ko.. next time ulit!
p.s.
praning ako sa pulis at checkpoint noon……..hanggang ngayon =P
Tuesday, May 10, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...