Isa sa mga hindi matapos-tapos na isyu sa mga ka edaran ko ngayon ay ang topic na tungkol sa karera. Hindi karera ng kabayo, karera ng buhay. Career. Hindi rin ito matapos-tapos na pagusapan sa bahay namin dahil hindi nga naman ako bumabata pa.
Walang kapaguran ang mga magulang ko sa pagtutulak sakin na mag-ibang bansa. Hindi ko naman daw poproblemahin ang pamasahe at visa dahil sinuwerte naman ako sa parehong bagay. Pwera nalang sa 2 bagay na kakalabanin ko ng bonggang-bongga. Ang pride at ang lungkot. Ito ang mga bagay na matagal ng humahadlang sa napakaling pangarap nila para sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ito tatalunin. Hindi naman ito napagaaralan sa eskwelahan, sa masteral o sa internet. Kailangan dito malupit na pagiisip, paguunawa at pag tanggap ng bagay-bagay.. na hindi lahat nakukuha ng madalian, dahil sa totoo lang, walang pangarap na madali maabot. Hindi ganon ka-simple. Hindi.
Ngayon, pagkatapos ng matagal-tagal na pananahimik ng magulo kong utak.. muli na naman akong binulabog nito kani-kanina lang. May nag o-offer sa akin ng opportunity abroad. Hindi ito ang trabahong pinapangarap ko, hindi ito ang trabahong gusto ko pagtapos ko ng kolehiyo, hindi ito ang trabahong nasa listahan ko. Pero ito ang trabahong magdadala sa akin papunta sa matagal ng pangarap ng magulang ko. Ang pagkakaroon ng matiwasay na kinabukasan.. At sino bang ayaw magkaroon ng ganon diba? SHET ANG LALIM NON.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang pipiliin ko. Oo, madali mag advice, pero mahirap gawin diba? Hindi ko alam kung pipiliin ko bang makipagsapalaran sa ibang lugar at kumita ng limpak-limpak na pera o mananatili na lang muna ako dito sa atin at maghintay ng.............. wala? Kasi sa totoo lang, ang mga bagay na gusto ko hindi ko naman makuha dito e. Edi mas mabuti pang subukan ko na lang ang ibang landas. Kakayanin ko kayang babaan ang matagal ko nang pinapabongga na PRIDE para maging successful ako in the future? o hindi? Tama bang kunin ko na ang opportunity na ito at tanggapin ko na lang ang mga hirap na maaari kong maranasan pagdating ng panahon o hindi?
Kailangan ko ng "proper guidance" sabi ko nga sa nanay ko. Hindi biro ang dilemma ko, seryoso ako. Sa pagkakataong ito, swak parin ba ang kasabihang: "ITS NOW OR NEVER" ?
Tuesday, June 09, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...