Tumatakbo at lumilipas na ang oras, edad at panahon sa buhay ko at unti-unti ko na ding nararamdaman ang lahat ng epekto nito sa akin. Mag tatatlong taon na akong nagtatrabaho simula nang pagtapos ko ng kolehiyo. Mag tatatlong taon na din ako sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Marami akong napagdaanan, nakilala at natutunan sa dalawa kong magkaibang trabaho dito. Hindi rin mapapantayan sa kasalukuyan ang mga kakaiba kong karanasan doon. Magulo, mahirap, nakakatamad pero masaya.
Madami ang mga empleyado na talaga namang napamahal na sa kumpanya kaya naman minabuti nilang manatili ng matagal doon. Mga loyalista ang tawag sa kanila. Madami ding mga ahente na kahit naghihikahos na sa pagbebenta ng lupa, wala pa rin silang balak iwanan ang ganitong trabaho. Kaya naman, isa ako sa mga taong natali na rin sa kumpanya, dito ako masaya, at dito ako komportable, bakit pa ako aalis diba?
Sa tatlong taon ko, hindi ko rin namang maiwasang magisip-isip sa araw-araw kong ginagawa, pinupuntahan at nakakasama. Wala na bang bago diyan? Ganito na lang ba ako habang buhay, ang maging kumportable? Nung isang araw, hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari sa akin sa opisina. Hindi ako natuwa, hindi rin ako natawa. Wala akong magawa kundi tanggapin at sumunod sa mga bagay na hindi ko naman sinasang ayunan. Parang nakaka bobo lang lagi dahil wala din naman akong mapaglaban sa kung anuman ang gusto kong ipaglaban. Wala din akong maipagmalaki dahil wala rin naman akong dapat ipagmalaki. Bad trip……
Ginapang ko ang sarili ko sa pag-aaral para matupad ang pangarap ko. Hindi basta-basta ang mga sinubukan kong gawin para lang makadagdag sa aking kaalaman. Pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga pinag aralan ang ganitong trabaho, at lalong hindi ito ang trabahong nararapat sa akin. Walang kasiguraduhan, hindi ito stable at wala rin daw akong patutunguhan ika nga ng mga taong kala mo kung sinong magaling! Sa madaling salita… mahirap. Pero para sa akin, di hamak na mas mahirap umalis sa lugar o trabaho na iyong nakasanayan. Hindi madali magpaalam sa mga taong anim na araw sa isang linggo mong nakakasama at nakakasalamuha. Ang mga taong pinalit mo na sa pamilya, sa barkada, sa asawa, sa boyfriend/girlfriend mo. Iniisip ko pa lang nalulungkot na ako. Pero minsan kailangan ko din yata talaga tumahak ng ibang landas para din ito sa ikabubuti ko. Hindi pwede na lagi na lang masaya at kumportable. Ganon talaga e diba?
Bakit kasi kailangan ko ‘tong maramdaman e. Dati, wala akong ka amor-amor sa mga tao doon. Wala akong pakealam sa buhay nila at kung ano mang klaseng tao sila. Hindi ko rin binibigyan halaga sa kung anuman ang pwede nilang magawa sa buhay ko. Pero ngayon…. Sila na ang mga taong gusto ko laging makasama. Dati, sabi ko sa sarili ko, hindi ko papasukin ang buhay ahente… pero ngayon, mag-iisang taon na ako sa ganitong trabaho. Nagiba lang lahat ng pananaw ko e. Kinain ko lang lahat ng pinagsasasabi ko noon.
Ngayon, hirap na hirap tuloy akong ipasok sa kukote ko ang realidad na kailangan kong gumalaw at magisip para sa kinabukasan ko. Hindi madali ang ganitong sitwasyon dahil padagdag ng padagdag ang edad ko, padagdag din ng padagdag ang mga bagay na gumugulo sa utak ko. Kung dati, group project sa science lang ang pinoproblema ko, ngayon mga bagay na sa totoong buhay ang bumubulabog sa akin. Haaaay… ewan ko na!
Basta, kung anuman ang nararapat sa akin… sana lang hindi ko ito makaligtaan. Magkaroon na sana ako ng lakas ng loob para makipagsapalaran. Dahil wala na naman akong dapat gawin kundi ang hanapin ang tunay kong paglalagyan……….