Friday, April 20, 2007

Halalan '07


Eleksyon na naman, at syempre, di maiiwasan ang mga iringan, parinigan at sabi-sabi ng mga tao sa tabi-tabi. Nandyan ang dalawang matitinding kampo ng mga tatakbo sa halalan, ang team unity at ang oposisyon. Nandyan din ang mga taong ginagamit ang lahat ng paraan para lalong sumikat sa telebisyon. Ang mga taong sa pinilakang tabig nakikita ngunit nagpupumilit din makisabay sa takbo ng pulitika. At ang mga taong di lang pang pamilya kundi pang isports pa ang pagpupumilit sa pangampanya.

Talaga nga namang ang media pa rin ang pinaka malakas na paraan para isigaw sa buong mundo ang kanilang pangangampanya at bangayan. Ang sinasabing “libelo” ng team unity laban sa oposisyon dahil nga naman sa pinalabas nilang kampanya sa telebisyon na pinakita ang mukha ng pangulo sabay ng pag babanggit ng mga negatibong kalagayan ng ating bansa. Ang survey at ang command voters na pinanghahawakan ng dalawang magkaibang kampo, at ang sinasabing “pag singil sa utang-na-loob” ng team unity sa local governments.

HALA ayun na!! singilan na ng utang-na-loob ang labanan..

Sabi na nga ba, lalabas din ang ganitong hirit e. Sabagay, “utang” nga naman ito at kailangan din pagbayaran. Ahahaha! Pati ang pag endorse ni Roces kay Christopher de Leon sa bise gobernador, sigurado akong utang-na-loob din ang kinalabasan ng lahat ng iyon.

Hello?! Sinong linoko niyo diba? Alam ko na yan.. pag panahon ng eleksyon, lahat ng bagay may kapalit, lahat ng bagay may kahulugan. Ultimo ang aksidenteng nangyari kay Chavit binigyan din ng kahulugan ng ibang tao. Sabi ng iba, drama lang daw yon ni Chavit para kaawaan siya ng mga tao. Basta ako, kahit pakain pa siya sa tigre di ko siya iboboto!!

At onga pala, pati ang Party List na hindi naman nagiging matunog sa panahon ng halalan ay binibigyan na din ng isyu. Sabi daw kasi ng COMELEC, di daw muna ipapakita sa publiko ang mga nominees na Party List. Naku ha!! ano na namang pakulo yan? Bakit kelan pa ba naging mahalaga ang Party List dito sa Pilipinas? Ni hindi nga alam ng nakararami kung ano ang halaga at ang kwenta ng Party List dito sa atin e. May Party List man o wala, hindi din ito mamamalayan ng mga tao dahil hindi sila ang bida!

Ganun pa man, hindi pa rin natin maikakaila na nagiiba na ang pagiisip ng mga botante dito sa Pilipinas. May mga kaibigan akong naka rehistro pero wala pa rin namang balak bumoto. May iba naming walang pakealam kung tumanda na silang di nakakaboto dahil sa dahilang wala naman epekto sakanila ang kalabasan ng eleksyon. Pero meron pa ring wala lang, manalo man o matalo, sige lang… at AKO YON!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...