Tuwing retreat, hindi mawalala ang usapang pamilya, pagmamahal, at ambisyon. Tuwing inuman, hindi mawawala ang usapang love life, samaan ng loob at kalungkutan. Tuwing kwentuhan, hindi mawawala ang usapang may tawanan, iyakan at murahan. Sa dina-daming beses na nakipagkwentuhan ako, mabibilang ko lang ata ang beses na sinambit ko ang usapang pamilya.
Ilang buwan na din na ganito ang “setup” ng aming pamilya. Nasa bording house tumutuloy ang kuya ko(malapit daw sa eskwelahan niya), busy sa pagpapagawa ng bahay ang tatay ko, sunod-sunod naman ang duty sa ospital ng nanay ko, at araw-araw naman akong wala sa bahay dahil sa trabaho, eskwela at iba pa. Nang bumalik ang tatay ko galing sa barko, isang beses pa lang ata kami kumain sa labas. Father’s day yon kung hindi ako nagkakamali. Ngayon, nagbabalak na ulit sumakay sa barko si daddy. Ngayon, bilang na lang sa isang kamay kung ilang beses kami kumain at nagsimba ng sabay-sabay. Minsan, di ko mapigilan malungkot. Isang umaga, katok ng katok ang nanay ko sa pintuan ng kwarto ko. Irirtang-irita ako dahil akala ko ginigising lang ako, yun pala nagpapatulong. Bantayan ko daw tatay ko dahil nahihilo, di makabangon……. Nang malaman kong may sakit ang tatay ko, nagkataon ding nagkasabay kaming kumain ng hapunan (wala ang kuya ko shempre). Dun ko napansin na matanda na nga talaga ang nanay at tatay ko. “Shet, andami na niyang putting buhok!” Matagal-tagal na ngang di ko sila napagmamasdan at nagulat ako sa itsura nila. Dun nag “sink-in” sakin na madami nang bagay ang dumaan..lumipas..at nagbago sa amin. Matanda na sila mommy at daddy, paano yan?
Di pa kaya ng sweldo ko na suportahan ang aming gastusin, di pa tapos sa kolehiyo ang kuya ko, marami pang luho ang pamilya ko na di pa natatanggal sa sistema namin. Paano yan kung di na kaya magbanat ng buto ang mga magulang ko? Saan kami pupulutin ng kuya ko.. sa kangkungan? (shiets) Pakiramdam ko kasi, patagal-ng-patagal, nagiging “fragile” na ang mga magulang ko. Pakiramdam ko, d sila pwede magpagod dahil baka magkasakit sila bigla. Nakakatakot kaya yon!
Kung tatanungin ako, wala nang ibang isyu sa buhay ko ngayon kundi ang katayuan ng pamilya ko. Malungkot e. Dati-rati, sumasabay pa akong magsimba kasama nanay ko, ngayon hindi na talaga. Dati-rati, sumasabay akong kumain sa tatay ko, ngayon hindi na talaga. Dati-rati, nakikipagtalo pa ako sa mga tao sa bahay sa kung anong palabas sa TV ang papanuodin namin, ngayon hindi na talaga. Sa dami kong ginagawa, di ko namamalayan madami akong nakakaligtaan sa buhay ko.
Pare, namimiss ko na ata sila…