Tuesday, November 08, 2005

SANA

Wala na kong pera, wala akong bagong cellphone, hindi ako makabili ng i-pod at lalo namang hanggang pangarap ko na lang ata ang magkaroon ng palmtop. Wala pa akong trabaho dahil masyado akong pihikan sa binibigay sa akin. Masyado naman kasing mahirap yung ibang exam na binibigay sa akin ng mga demonyong yun. May mga bagay din na mahalaga sa akin na nawala na din na hindi ko naman alam kung ano ba talaga kuya. Parang bigla na lang ako naiwan na hanggang ngayon pinipilit ko nang tanggapin. Gusto ko na din sanang tumira sa ibang bahay para maranasan kong magsarili pero paano naman kaya yun e palamunin lang naman ako hanggang ngayon. Wala na kong ginawa sa buhay ko kundi ang mangarap ng mas maganda o mas mabuting kung-anuman. Hindi na ako mapakali, hindi na ko makatulog ng maayos (jusko sana makatulog ako mamaya kaagad.) Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko, parang bigla ako nawala sa diwa at lagi na lang ako nananaginip ng gising. Sana nga panaginip na lang lahat ng nangyayari sa akin. Minsan nga naman at minamalas ka tapos bigla na lang pag-gising mo, pasan mo na pala ang mundo. Puro na lang ako sana, sana, sana at hindi na ko natigil sa kaka-sana. Hindi na ko nakuntento sa buhay ko, hindi na ko natuwa sa kung ano ang narating ko. Kung puwede lang sana i-dikta kung ano ang puwedeng kalabasan ng buhay ko, sana matagal ko ‘tong ginawa.

…sana maging masaya na lang ako kung ano ang meron ako. Nagpasalamat na lang sana ako nang nakatapos na ko sa pag-aaral. Sana nagpasalamat na lang ako na may mga kaibigan pa ako at hindi pa ko naghihirap makahanap ng pera pang-gimik kahit wala akong trabaho. Pinasalamatan ko na lang din sana ang mga taong nanakit ng damdamin ko at dahil sa kanila, naging mas lumalim ang pagiisip ko. Utang na loob, sana tantanan na ko ng utak kong pasaway sa kaka-isip na kung ano anong walang kabuluhan. At sana isang araw, matawa na lang ako at sabihin kong, “hay salamat… nakuntento na din ako..”


If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...