Tuesday, July 12, 2005

Para sa inyo ang pagpupugay ko...

Para sa mga kaibigan kong komedyante. Para sa mga kakilala kong nagbibigay saya sa grupo. Para sa mga taong mahilig magpatawa sa karamihan. Para sa mga mahilig magtago ng sama ng loob o pighati. Ang mga taong umiiyak, nasasaktan na nga.. tumatawa pa din. Ang mga propesyonal sa pagkikimkim ng saloobin para lang ipakita sa mundong, walang problema ang makakasira sa kaligayahan ng isang tao o sino-man. Eto ang isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na naiintindihan kayo.. ako.

Para sa nanay ng isa, dalawa, tatlo, apat o mas marami pang mga anak. Para sa ilaw ng tahanan. Para sa mga teenage mom o single-mom. Para sa mga taga-aruga ng kani-kanilang pamilya. Ang mga nilalang na walang humpay sa pagintindi sa kanilang mga anak, ang kakampi ng pinaka sutil na anak at ang taga-budget ng pera buwan buwan. Ang taga alaga pag may sakit ka o wala. Para sa iyo, nanay… Eto ang isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na nagpapasalamat sa iyo.. ako.

Para sa tatay na walang tigil ang pagsasakripisyo para ma-i angat ang pamilya sa kahirapan. Para sa mga amang may pagmamahal sa pamilya at disiplina sa sarili. Para sa mga amang tahimik at walang pagod na nagtyatyaga sa ingay at gulo ng kanyang asawa at mga anak. Para sa iyo, tatay… Isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na humahanga sa iyo.. ako.

Para sa mga anak na nagmamalasakit sa pamilya at magulang. Para sa mga hindi masyado mabait pero marunong gumalang. Para sa mga marunong magpahalaga sa hirap at tiyaga ng magulang. Para sa mga mangiinom pero umuuwi pa din sa bahay. Para sa mga mabarkada pero sumasama pa din sa pamilya magsimba. Para sa inyo.. Isang malaking paghanga galing sa isang taong nagsisikap maging katulad niyo.. ako.

Para sa mahihina ang utak pero pinipilit pa din. Para sa mga nagsisikap maka-pasa kahit hindi naman talaga kaya. Para sa mga nababaliw sa Math, English o sa kung ano pa. Para sa mga nagsisipag pagtyagaan pasukan ang klase kahit nakakatamad, umuulan o sobrang init ng panahon. Para sa mga working student. Para sa mga estudyanteng puyat gabi-gabi dahil sa paper work. Para sa mga ma-abilidad na estudyante at para sa mga nagtapos at magtatapos na… Isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na dumadamay sa inyo.. ako.

Para sa mga lito sa kasarian. Bakla, tomboy, silahis o pumapatol sa parehong kasarian. Para sa mga madalas laitin ng lipunan. Ang mga pinagtatawanan o minamaliit ng karamihan. Ang mga taong mahusay sa ibang aspeto, sila ang pangatlong kasarian na sa ayaw o sa gusto mo patuloy na dumadami at umuunlad. Para sa inyo.. isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na nakakaintindi sa inyo.. ako.

Para sa mga nag tatrabaho. Blue, pink o white collar workers na bumubuhay sa sarili at sa pamilya. Para sa mga nakukuntento sa sahod at sa pinapasukang trabaho. Para sa mga matapat na manggagawa at pinagpapala. Para sa mga dahilan na natatamong pugay ng bansa, ang mga OFWs. Para sa inyo… isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na nagmamalasakit sa inyo.. ako.

Para sa mga may kapansanan na nakikipagsapalaran sa buhay. Para sa mga pinagkaitan ng tadhana. Para sa mga baliw at sayad sa mental hospital na nakikipag-laban sa katotohanan. Para sa mga taong grasa na pumapalibot sa kung saan man na pinagdidirihan ng karamihan. Para sa inyo… isang malaking paghanga galing sa taong hindi nawawalan ng pag-asa para sa inyo.. ako.

Para sa mga sawi sa pag-ibig, sa trahedya, at sa pera. Para sa mga pinagdamutan ng ka swertihan. Para sa mga mahihilig umiyak at magdrama. Ang mga namatayan o napag-iwanan. Para sa mga tinataboy ng pamilya, kaibigan, boyfriend/girlfriend, titser o ng katabi mo sa jeep. Para sa inyo na hindi nawawalan ng pag-asa at nakabangon sa pinagbagsakan. Para sa inyo… isang malaking paghanga galing sa isang taong bilib na bilib sa inyo.. ako.


Ang mga taong hinahangaan ko…

Walang humpay na pagpupugay sa inyo mga kapatid!!!


Saturday, July 09, 2005

Unlimited Edition!!! Part 2

Nang nabalitaan ko na naglabas na ang La Salle ng statement na FOR-Resignation sila ni PGMA, kinabahan na ko. Baka hindi malayong sumunod na lahat ng mga Kolehiyong nasasakupan nito. At di nagtagal, nakatanggap ako ng text na may prayer rally daw ang mga estudyante ng DLS-College of Saint Benilde sa taft. FOR-Resignation din daw ang layunin non. Gusto ko sumali sa isang rally dahil gusto ko maramdaman ang hirap at gulo na nadudulot nito. Pero sa pagkakataong ito, hindi at wala akong balak sumali sa rally nila. Sabihin niyo nang hindi ako nakiki-uso sa mga tangang katulad niyo at sabihin niyo nang wala akong kwenta pero hindi ako papayag na bumaba sa pwesto ang ating pangulo. Ano ako GAGO??

Para saan pa ang pagbaba niya? Para mapalitan na naman ng namumuno na siya ding papalitan bukas-makalawa? Para madagdagan na naman ng EDSA 5? 6? Grabe naman.

Sabihin na nating napaka OA na masyado ng mga Pilipino at sige-sige, padalos-dalos na lang na sasali sa mga kaguluhan sa kalye at ipagsigawan ang pagbaba ng presidente. Huwag kang magpapaniwala masyado sa mga nakikita mo kapatid. Ang daan-daang raliyista, lahat ba sila alam ang dahilan ng kanilang pinaglalaban? Pucha-yan! E yung iba ka mga nakiki-usisa lang at gusto lang sumali dahil may libreng pandesal ahahahahaha!

Napanuod ko sa balita na padagdag na ng padagdag ang mga nagtatanggal ng suporta kay PGMA. Talaga nga namang, walang permanenteng kaibigan sa politika. Si Drilon, kala ko pa naman hindi siya tatanga-tanga katulad ng iba pero ayun! Nakita ko siya sa tv na isa sa mga nananawagan sa pagbitiw ni PGMA sa pwesto. Pag nagbitiw sila ng suporta, dapat ikaw din. Pag karamihan kaibigan ng presidente dapat ikaw din.

tanginatalagangbuhaytoh

Sa panahon ngayon na papalit-palit ng paninuno ng ating bansa, sino ba talaga ang gusto mo i-upo kapatid?

Ako, si Judy-Ann Santos.

Monday, July 04, 2005

Kuntento ka na ba?

Kamusta ang katayuan mo sa kasalukuyan? Mayaman ka na ba o naghihirap pa din? Napagiwanan ka na ba ng mga kaibigan mo o ikaw ang nakakalamang sa lahat? May bago ka bang cellphone o pager pa din ang hawak mo? E i-pod kaya meron ka na o walkman pa din yang nasa bag mo? Ikaw ba ay nagmamay-ari ng pinaka-maraming hi-tech na kagamitan sa grupo o kahit pumindot ng letra sa keyboard ng computer wala pa sa isip mo? Nakapagtapos ka na ba sa pag-aaral o masyado ka nang nawili sa 2nd-year subjects mo?

Ang puti mo na ata ngayon, o nagpapaputi ka pa? Tumataba ka a’ pero parang.. sobra na? Seksi? Gwapo? Sikat? O kabaliktaran?

Patuloy ka na bang naiiwan o nakikipag-sabayan ka na di mo namamalayang nauuna ka na pala?

Ngayon itatanong ko sayo...

Kuntento ka na ba?

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...