Wednesday, September 28, 2011

TO WHOM IT MAY CONCERN:


Ang blog ko na ito ay walang iba kundi para sayo. Sayong-sayo lamang. 

Warning: Bawal ang tanga. Bato bato sa langit, ang tamaan..guilty.

1) Siguro nga nagkamali ako dahil mashado akong “on-the-go” kaya siguro pakiramdam mo game ako sa lahat. Mali. Nasanay ako sa ganitong klaseng lifestyle kaya di moko masisisi kung bakit ako ganito. Kung sa tingin mo madami ka nang na-uto sa mga katarantaduhan mo, ibahin mo ko. Hindi man ako matalino pero hindi ako tanga. Alam ko kung kailan ako magpapasensya o kung kailan ako aalma. Hindi man kita napatay (kasi alam kong masama yun), gusto kong malaman mo na kailangan mong paghandaan ang panahon na mamatay ka na sa karma. Matanda ka na. Rinerespeto kita DATI. Pero mas madumi pa sa septic tank ang budhi mo. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na saktan ka, gagawin ko yun. Hindi ako magdadalawang isip.

2) Comedy ako pero pagdating sa lovelife, kahit kailan di ako nagsinungaling. Maaaring hindi pangmatagalan ang paghanga/pagmamahal ko, pero hindi ako manloloko. Totoo yun.

3) Alam toh ng mga taong close sakin na fickle minded ako minsan kasi yung ibang gusto ko..ayaw ko na pala bigla. Mabilis ako magpalit ng isip sa ganon. Pero pag ayaw ko na, ayaw ko na talaga. Pag gusto ko nang umuwi, uuwi ako talaga. Pag sinabi kong lasing ako, lasing ako talaga. Pag sinabi kong hindi kita kayang maging kaibigan ulit, ayaw ko na talaga. Pag nawala na tiwala ko sayo, wala na talaga. Period.

4) Isa ka sa “the ones that got away” ko kasi pakiramdam ko special ka talaga kaso di ko alam kung kupal ka ba o bakla ka. Iniwanan moko sa ere tanginaka.

5) Para sakin, di ka deserving.

6) MATUTO KANG LUMUGAR. 

7) Ganyan ka ba ka loser kaya lagi ka nalang nakikisaw-saw?

8) Para kang Nokia phones. User-friendly.

9) Di naman ako namimili ng kaibigan. Pero di lahat mahal ko.

10) Ang totoong mayaman, hindi mata pobre. Ang totoong successful, hindi nang aabuso ng kahinaan ng iba. Ang magaling at mahusay, hindi nandadaya. Ang totoong cool, hindi pinagpipilitan ang sarili sa iba. Ang totoong habulin ng lalake / babae, hindi cheap.

11) Kailan man hindi naging COOL ang pagiging “hindi mabait o mabuti” sa iba. Hindi porket nambabara ka na ng ibang tao e astig ka na. Minsan nasa face value din yan.

12) Mabait ka naman..may itsura..di naman siguro mababa ang IQ mo. Wala ka lang talagang values / ethics. Babae ka pa man din.

13) Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Sa totoo nga, naaawa ako sayo. Sana maramdaman mo ang sincerity ko. Minsan lang talaga akala mo kalokohan lang alam ko. Marunong din naman ako makiramdam. Seryoso.

14) Close tayo. Pero wala kang karapatan sabihan ng negative ang kahit na sinong kapamilya o kamag-anak ko. WALA. WAG KANG BASTOS.

15) Kung ano man ang na achieve ko ngayon, pinaghirapan ko yun. Kaya wag kang makipag kumpitensya sa akin dahil di naman kita kakalabanin. Mas matanda ka sakin, mahiya ka naman.

16) Kung di mo na kaya, lumaban ka. Wag kang puro dada..bading ka ba??

17) Ang pagpapasalamat sa ibang tao ay parang kanin sa Mang Inasal. UNLIMITED.

18) Single pa din ako pero hindi ibig sabihin hindi ako na in-love ulit. Hindi lang ako nagkaka relasyon ulit kasi lagi nalang “kaibigan” ang tingin nila sakin. Malungkot lang minsan kasi sa dinami-daming lalaki na naging ka-close ko, wala man lang naglakas loob na ipaglaban ako. O siguro nga wala talaga.

19) Tigilan mo na yan. May asawa’t anak yan. Kung lumandi siya sa iba, hayaan mong siya nalang ang makarma. Wag ka nang makisabit pa. DIBA PINAGUSAPAN NA NATIN YAN? BAKIT KAILANGAN PAULIT-ULIT?! Kaibigan mo ako / kami. Totoong kaibigan. Maloloko tayo pero wag ganito. Wag mo nang i-deny. TUMIGIL KA NA. SERYOSO.

20) Magbayad ka ng utang mo.

ps. ang mga ito ay mananatiling BLIND ITEMS forever.

Thursday, August 18, 2011

What Can One Person Do To Change The World?

19 August is World Humanitarian Day - a celebration of people helping people. Every day humanitarian workers help millions of people.

CLICK PLAY.

Tuesday, July 12, 2011

Bahala Na si Batman



Pag sobrang wala ka nang masabi.
Pag wala ka nang magawa.
Pag tipong hindi mo na alam ano ang nangyayari.
Pag wala ka nang lakas.
Pag pakiramdam mo kahit ano gawin mo di ka na mananalo.
Pag wala na talagang pag-asa.
Pag pakiramdam mo ikaw na dehado.
Pag wala ka nang tinama.
Pag hindi mo na kayang gawan ng paraan.
Pag puro nalang kamalasan.


"bahala na si batman"

Monday, July 04, 2011

Lokohan


Ayaw ko mag judge ng tao kasi alam kong mali. At hindi naman lahat ng sinasabi ko ay dapat sang-ayunan ng lahat. Ika nga nila, “kanya-kanyang trip to.. walang pakelamanan!” Magbibigay ako ng opinion ko kung kailan ko gusto at hindi naman lahat ng opinion ko kailangan maka-apekto. Bato-bato sa langit.. ang tamaan pangit. Este magalit.

At dahil jan, ito ang opinion ko sa mga manloloko:

Hindi ako nagmamalinis dahil guilty din naman ako sa ganyan dati. Alam ko naman na mali kaya hindi ako nagkulang sa paghingi ng tawad kay Lord. Naniniwala ako sa karma kaya kung karma man ang tawag sa ibang kamalasan sa buhay ko ay tatanggapin ko. So be it. Hindi porket nagawa ko dati ay hahayaan ko nalang gawin ito ng iba. Lalo na ng mga taong malalapit sa akin. May iba na piniling manahimik pag guilty sila (noon man o ngayon), pwes sila yun hindi ako. Hindi ako magkukulang sa pag paalala pero hindi ako mamimilit. Hindi rin naman pwedeng pilitin mo magbago ang isang tao.. ikaw din mahihirapan e. MEHGANON?!

Para sa mga taong hindi kaya maging tapat sa karelasyon nila, pwede namang kumalas muna bago lumandi. Kung ayaw mong umayos ang buhay mo, bigyan mo ng pagkakataon na tumino ang buhay ng karelasyon mo. Wag kang sakim. Masama yun. Kung hindi mo kayang pigilan ang pagiging “over friendly” mo, wag kang makipag commit para hindi ka masumbatan. Pero teka, mag-ingat ka… dahil hindi lahat ng tao kayang maglabas ng sama ng loob. Diba?

Kung sa tingin mo hindi kaselos-selos ang ginagawa mo, wag ka nalang din magselos sakanya para quits. Lokohan na e.. edi fine.

Kung nanloko ka na, pwede ka pa magbago. Seryoso. Huhusgahan ka ng buong mundo sa nakaraan mo pero ang importante yung ngayon hindi kahapon. MEHGANON ULIT?!

Alam mo ang tama at mali, wag kang mag-maang-maangan. At para maintindihan mo ang pakiramdam ng linoloko, subukan mong makipag-palit ng kalagayan (mag imagine ka lang) para ma-gets mo. Sabi nga ni Bob Ong, kung problemado ka sa pamilya o sa love life.. wag kang manisi ng iba. Mag rebelde ka, mag-adik ka kung gusto mo.. after all, buhay mo naman yan. Magloloko ka dahil manloloko ka lang talaga hindi dahil nasaktan ka period.

UNFAIR. Kung gaano kadami ang single, matandang dalaga o binata ngayon sa mundo, ganon din naman ang paglipana ng mga commited/taken na manloloko. Kumbaga sa pagkain, tapon ka ng tapon ng pagkain habang yung ibang tao nagnanakaw na para lang may pantawid gutom.

Bakit ba yung mga manloloko sila pa yung hindi nauubusan ng karelasyon? Sabagay, dami din kasi nagpapaloko.

Ika nga nila.. walang benta kung walang bibili.

Kthanksbye.

Thursday, June 09, 2011

Employee Leave - TRUE Edition

Kahit pa sabihin ng HR sayo kung ano-anong Leave lang ang pwede sayo, paniguradong hindi ito nasusunod. Bigyan ka man ng dalawa o tatlong klaseng leave ng office, alam mo naman na hindi ito totoo.


1. Tinatamad Leave – Ito ang last minute na hindi pag pasok dahil wala ka sa mood mag trabaho.

2. Umuulan Leave – Masarap matulog kapag umuulan. Kthanksbye.

3. Hangover Leave – Hindi ka pa kasi nagtanda! Sinabi nang wag maglasing ng Lunes at may pasok pa kinabukasan! LOL

4. Outing Leave – Matagal nang naka book ang flight niyo dahil sa seat sale pero dahil sadyang makulit ka lang, sa mismong araw ng flight mo ikaw nagtext ng “I’m not feeling well, I can’t go to work today.”

5. Makikipag-libing Leave – enough said.

6. Nakipag-break Leave – Malamang puyat ka. LOL

7. Extended Leave – Hindi ka pa natuwa sa 3 araw na bakasyon dahil hindi mo pa din tapos panuodin ang lahat ng DVDs na binili mo.

8. Walang-masuot Leave – Hindi mo alam bakit hindi pa nalalabhan ang favorite pants mo pagkatapos mo ito suotin kagabi. Bakit kasi hindi maintindihan ng labandera niyo na favorite mo nga yung panatalon na yun.

9. Wala-kang-takot Leave – Ito ang walang kadala-dala mag absent pagkatapos mong hindi pumasok ng nung isang linggo at nung isa pang linggo, talagang wala ka lang gana magtrabaho.

10. Emergency Leave – Ito ang hindi sadyang pag absent dahil nakalimutan mo palang magsuot ng underwear.

11. Walang-tubig Leave – Pag brownout, walang tubig.

To be continued…

Tuesday, May 10, 2011

KALOKOHAN 101

Kung bibigyan ako ng magandang memorya ng Diyos at maaalala ko pa lahat ng mga nagawa ko mula bata.. Di ako magdadalawang isip na ikwento ito sa anak at mga apo ko. Naalala ko nung grade six ako, lagi ko sinasabi sa sarili ko na gusto ko ma experience lahat ng kalokohan para masaya. Ngayon, masasabi kong hindi man lahat nagawa ko pero alam kong sapat na yun para sa akin.

Tulog-tulugan days – Ito yung mga panahon na nag tutulog-tulugan ako sa tanghali para makalabas ako sa kalye pagkatapos. Isang oras lang naman ang kailangan para masabi mong “natulog” ka e. Eto pa yung tipong kalahati lang na nakasara ang mata ko para alam ko kung nanjan ba si yaya o wala.

Iwanan-ng-bus days – Ito yung pag naiiwan ako ng bus sa school kasi hindi ko napapansin ang oras dahil sa kakalaro. Ten-twenty, Fairy-fairy-han, dodgeball at kung ano pa. Nung nag highschool ako, sinasadya ko na talagang magpaiwan sa bus noon para mas matagal ko pang makasama ang crush ko. AHAHAHAHA

Cutting – Wala itong koneksyon sa arts o sa home economics. Ito ay ang isang aktibidad na kung saan ay hindi ka sisipot sa klase mo at magpapatay malisya ka para hindi ka mahuli ng titser. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ito nagawa pero nakakatawa lang kasi bago mag graduation nung highschool tska lang ako nahuli. Muntik akong ma “non-marching” pero napatunayan ko naman na hindi ko talaga ito sinasadya. AHAHAHAHAHAHA (ulit).

Lasing sa klase – Hindi ko ito makakalimutan nung una ko tong nagawa. Highschool ako non, hindi pa nagsisimula ang klase kaya nasa “tambayan” pa kami nun ng kaibigan ko. Nagdala siya ng gin tapos linagay niya sa thermos. Linagok ko lang naman ang gin ng walang chaser. Sakto.. lasing ako sa 1st subject palang. (thanks Mon Calvento!).

Hindi na ito bago nung college kasi pag hindi mo ito na experience noon, hindi ka cool. Tablado ka sa block! So yun. Hindi lang lasing ang nangyari sakin dati……

Inom-na-parang-wala-ng-bukas moments – Ito na ata ang pinaka gasgas na moment sa akin noon kasi parang nauulit ulit lang palagi ang pangyayari. Iba’t-ibang lugar nadin ang nakasaksi ng pagkalasing ko. Ultimo ibang bansa hindi ko pinatawad! “Nagsimula sa patikim tikim.. pinilit kong gustuhin. Bisyo’y nagsimulang lumalim.. kaya ngayon ang hirap tanggalin….”

Di ako lasing.. Nakainom lang……….BLAG!

Pero isa sa mga highlights sa mga lasingan days ko ay nung nag class outing kami sa Baguio nung college! YESSIR! Hindi ko malaman kung sinapian ako ng masamang espiritu o talagang nilamon na ako ng alak nun! Salamat kay Gino kasi sa kagustuhan niyang bantayan ako, hanggang sa pagtulog di niya natanggal ang sapatos niya. CHAMPION!

Freebies – Libre ang candy sa candy corner kasi pwede naman pala makuha iyon ng libre *wink*

KODIGO mo, itago mo! – Hindi ako magmamalinis kasi kung hindi sa kodigo, hindi ako makakapasa sa trigonometry nung highschool! Sakit sa bangs meyn! Hindi na masyado uso ang taguan ng kodigo nung college kasi lantaran na ako mangopya noon. Its either nasa transparent folder ko ang notes ko o talagang garapalan sa pakikipag palit ng test paper sa klasmeyt ang style. Uy pero hindi naman lahat ng exams nangopya ako. Magaling ako noon pag essay ang exam. Perfect nga ako nun sa world history. Kthanksbye.

Blue-skies – Ito ang mga lakwacha sa gabi na inaabot ng umaga. Minsan hindi ito planado kaya kung ano ano nalang na palusot ang naiisip ko. Hindi pa ako nakakadating sa bahay, alam ko na ang mga linya na sasabihin ng nanay ko sakin. Kumbaga sa radio station e.. KAILANGAN PA BANG IMEMORIZE YANNNN?!

Pinahawak-lang-saakin – Oo, pinahawak lang sa akin tapos ako na ang nagtago kaya ako nangamoy yosi. Pwede ding, kulob ang lugar kaya kumapit sa buhok ko yung amoy. Matatawa ata ako pag ang sarili ko nang anak ang nagsabi sa akin nito. Tatawa ako ng malakas sabay sapok!!! Uhm! Di ka pa nagtanda!!!

Wala-akong-maalala – Wala………………di ko nga maalala kasi wala ako sa sarili nun!

-------------------------------------------------------------------------------------

Pinagpasyahan ko na hanggang dito nalang ang pagsiwalat ng aking mga kalokohan noon para hindi naman tuluyang masira ang malinis kong pangalan haha! Baka kasi kung ano pa ang makwento ko na hindi naman dapat ng ikwento. “ma carried-away” ya know!

Madami pa.. hindi ko na nga masyado matandaan ang iba ko pang kalokohan. Kung makikipagkwentuhan ako sa mga close friends ko nung mga panahon na yun, mas madami pa ata silang maaalala kesa sa akin.

Madami man akong nagawang kalokohan noon, hindi ko ito pinagsisisihan. Dahil kahit maloko ako, hindi naman ako nagpakalunod sa ganon. Masyadong malakas ang konsensya ko na minsan nga siya nalang ang nagsasalita hindi na ako.

Ngayon.. namimiss ko ang dati. Masasabi ko kasi na nadala na din sa edad ang pagiging steady ko. Nagawa ko na lahat ng kalokohan na gusto ko gawin kaya kalian man hindi ako maiinggit sa iba. Husgahan man ako ng taong nakabasa nito, wala akong pakealam. Dahil ako nasulit ko ang dati.. Problema ko na kung paano ko susulitin ang ngayon =)

Para sa mga kaibigan ko noon hanggang ngayon na kasing loko at kulit ko.. next time ulit!


p.s.
praning ako sa pulis at checkpoint noon……..hanggang ngayon =P

Wednesday, March 09, 2011

NEXT!


Sabi nila, malalaman mo lang daw na ok ka na pag dumating ka na sa stage 5: Acceptance

Hindi ko masisisi ang ibang tao kung hirap na hirap sila magpatawad sa iba. Maaaring masyadong matindi talaga ang damage na pinagdaanan nila dahil sa masalimuot na nangyari sa kanila. Pero hindi ko rin minsan maintindihan kung bakit may ibang tao na mabilis talagang magpatawad. Para sa akin kasi, hindi ganon kadali.

Para sa akin, kung gusto mo talaga makasigurado sa isang bagay, hindi mo ito maaaring madaliin. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan. Wala ng iba.

Ngayon, kaya ko ng aminin sa sarili ko na tanggap ko na ang nangyari. At oo, napatawad ko na ang dapat patawarin. Hindi ko maintindihan kung bakit and Diyos kaya magpatawad pero ako hindi. Siguro bigla ko nalang ito naramdaman. Bigla ko nalang naintindihan ang lahat. Salamat kasi walang sino man ang nagmadali.

Last session ko na kanina sa doktor ko. Kumbaga sa rehab e, graduate na ako. Ako ang estudyante, ako ang teacher, ako din ang dean. "Ok na ko doc, last ko na to.." Natuwa siya. Ako din naman.

Para sa mga taong hindi pa kaya magpatawad.. Wala namang nagmamadali. Pero hindi rin naman habang buhay pwede kang magipon ng sama ng loob. Hindi yan investment. Hindi rin yan alak na pag tumatagal, mas sumasarap. Hindi tayo imortal. Walang mangyayari sayo kung habang buhay ka nalang galit sa mundo. Hindi mo na kailangan hintayin ang paghingi ng tawad ng ibang tao dahil hindi din naman lahat kaya tumanggap ng pagkakamali. Gumanti ka o pumatay ka man ng tao, hindi ito ang magpapagaan ng loob mo. Hindi masama magalit. Hindi masama matalo. Tao lang tayo, nasasaktan din. Pero bilog ang mundo. Dadating ang panahon na magiging PATAS din ang laban.

Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero ako, nagawa ko naman. Tska.. Bakit sino ba nagsabing madali?

Tuesday, March 08, 2011

Mt. Apo =p



Sobra-sobra sa extra etxra sa challenge.

BAKIT?

- hindi biro ang umakyat ng Mt. Apo lalo na sa first timer.
- partida wala pa ko sa kundisyon niyan haha.
- gustong-gusto ko ang malamig na panahon. pero hindi sa bundok.
- ikaw na ang jumebs at umihi sa damuhan.
- flat footed ako = LAMPA
- takot ako sa heights.
- 10,311 ft ba kamo?!?!?!
- mahirap umakyat ng bundok. pero parusa ang pagbaba nito.
- init. lamig. init. lamig. init.
- maliit ang tent. CLAUSTROPHOBIC ako.
- ilang beses din akong nadulas sa kung saan-saang parte ng bundok.
- etc. etc. etc.

Sunday, February 27, 2011

Chosen One.


Kung mamroblema ka ng pagkabigat-bigat na akala mo ikaw na ang pinaka malas na taong nabubuhay sa mundo, pwes nagkakamali ka. Dahil kung ikaw nga ang tunay na nagdadala ng pinaka mabigat na problema sa buong mundo, ikaw na nga ang THE ONE.

Sa tingin mo bakit hindi siya, bakit hindi sila. Bakit ikaw?

Bakit sa dinami-dami ng pasahero sa bus, ikaw pa ang na chempuhan ng magnanakaw na kuhanan ng cellphone?

Sa lahat ng naglalakad sa kahabaan ng kalye niyo, bakit ikaw pa ang nakatapak ng tae?

Sa araw araw na pagsakay mo ng shuttle van papasok ng opisina, bakit ang sinasakyan mo pang van ang nasiraan sa SLEX?

Sa mga naghihiwalay na mag-boyfriend/girlfriend, bakit kayo pa ang hindi naghihiwalay e antagal-tagal niyo ng nagsasakitan?

Sa lahat ng officemates mo, bakit ikaw pa ang tinanggal sa trabaho?

Bakit ikaw pa ang nagkagusto sakanya? e alam mo namang hindi pwede maging kayo.

Sa trentang estudyante na nagkokopyahan sa exam, bakit ikaw pa ang nahuli ni ma'am?

Sa araw-araw mong pagkain ng madami, bakit ngayon ka pa nagka LBM? e birthday mo pa naman.
Katuwaan lang, nadala ng emosyon. Bakit sakanya ka pa nagpabuntis?

Gabi-gabi ka naman kumakain sa karinderya ni Aling Nena, bakit ngayon ka pa naubusan ng ulam?

Ikaw ang pinaka excited sa inyo, bakit ikaw pa ang hindi nakasama sa outing?

Peak na ng career mo, eto na yun e. Bakit ngayon pa nangyari toh?!

Sa dinami-daming pwedeng biktimahin, bakit ikaw pa?

Mabait ka naman, mapagmahal, di ka naman panget.. bakit wala ka pa ding boyfriend?

Bakit kapamilya mo pa ang tinamaan ng cancer?

Bakit ikaw pa ang iniwanan ng asawa?

Bakit ikaw pa ang nadisgrasya?

Bakit ikaw pa ang hindi magka-anak?

Ikaw. Dahil ikaw ang pinaka malakas sa lahat. Dahil alam Niya na ikaw ang magliligtas sa kapahamakan ng iba. Ikaw ang hindi mababaliw. Ikaw ang hindi magpapakamatay. Ikaw at wala ng iba.

Walang aksidente, walang chempo o chamba. Lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari ay may dahilan. Maaaring hindi mo alam kung bakit sayo pa pinagkaloob ang matinding challenge na ito, pero balang araw kusa nalang ito susulpot at bubulaga sayo.

Ika nga nila, walang ibibigay na challenge sayo ang Diyos na hindi mo kakayanin. Binigay Niya yun sayo, dahil alam Niya na nasa matino kang pag-iisip at sapat lahat ng magiging aksyon mo sa problemang ito. Kung sa tingin mo ikaw ang minalas ngayon, isipin mo nalang na ikaw ang swerte sa buhay ng iba. Kung akala mo wala ng saysay ang buhay mo, isipin mo nalang na madaming tao ang naniniwala sa kakayahan mo.Kung gusto mong sumuko, magdalawang isip ka. Wag kang madamot. Wag mo ipagdamot sa iba ang pwede mong matutunan. Tanggapin mo.. dahil ikaw ang CHOSEN ONE :)

Thursday, January 13, 2011


Hindi na bago ang magkaroon ng malupit na kotse ang isang politiko lalo na ang isang presidente. Wala naman kakaiba kapag umaapaw ang pera nila. Sanayan na lang yan kapag walang tigil ang pagbabatikos ng mga tao dahil sa marangya nilang pamumuhay. Kesyo nanggaling ito sa kaban ng bayan, magnanakaw, kurakot, buwaya.. at kung ano-ano pa. Pero nanibago lang ako sa reaksyon ng mga tao sa pagbili ni PNoy ng Porsche. Ilan lang toh sa nabasa ko sa twitter:

"if he bought it with his own hard-earned money, then kudos to him. if he bought it with our money, then we all get to ride it." - sana nga pwede tayo makisabay.

"pamporma ni Pnoy sa chix" - pwede rin sa boylet.

"Ang masasabi ko eh, give Pnoy a break. If he bought the car from his own money he has the right for this leisure" - hindi pa siya nakaka one year na presidente.. BREAK na agad? wow sosyal.

"He deserves it. He came from a rich family & 1 of the most eligible bachelor in town. I'm sure the money came from his acct" - oo nga naman.. bachelor e! eligible pa. :)

"he's a bachelor! no family to feed, no children to send to school. he can buy anything he wants w/ his money." - but wait.. THERE's MORE!!

"we shldnt criticize him since he used his own money + sell his BMW to get it. He needs to relax and enjoy also." - onga naman, wag natin siya i-criticize.

Pansin na pansin ang pagiging favorite ng mga tao kay PNoy. If I know, hindi naman mayaman si PNoy. Si Kris Aquino lang naman ang mayaman sakanilang magkakapatid. Pero baka nga pinagipunan niya ito at tutal naman presidente na siya ng bansa, mas astig yun kung naka Porsche siya. Edi sige! ikaw na ang naka sports car! :)

Hindi ko naman masisisi ang mga tao kung ganon na lang sila mag react. Pero parang may mali lang talaga. Ang babaw e. Nakakapanibago. Siguro nga si PNoy na talaga ang nagpabago ng ihip ng hangin sa mga Pilipino. Di lang siguro ako sanay kasi hindi masyado bugbog si PNoy mula sa mga criticisms. Talaga namang wala silang masabing masama sakanya lalo na't puro LOVELIFE lang ang madalas na ibalita sakanya sa TV. So hindi na nga talaga sila nagkatuluyan ni Liz Uy? Sila na nung Lopez (tama ba?) Anyway, sa lahat ng sinabi ko dito.. isa lang ang sigurado ako. Kahit pa siguro mangurakot si PNoy ng pera ng bayan.. hindi siya ikamumuhian ng mga tao. E pano......... ikaw ba naman ang presidenteng BACHELOR at RICH e. :)

Diba? :)

Friday, January 07, 2011

Success is LOVE



“Ang pinaka malungkot na tao sa mundo ay ang mga taong hindi alam ang gusto sa buhay.” - Anonymous

Dumating ka na ba sa punto na hindi mo alam kung ano gusto mong gawin sa buhay mo? Pero gusto mo sumaya.. umasenso.. ganon. Yung napakahaba ng things to do mo pero hindi mo alam kung pano mo ito sisimulan. Kumbaga, lahat na nasayo pero hindi mo alam bakit hindi ka masaya. “It’s not you.. It’s me.” Napanood ko yung movie ni Julia Roberts na Eat Pray Love at sobrang nagustuhan ko yung storya. Hindi ganon kaganda yung pagkagawa ng movie pero yung story bonggang-bongga. Pakiramdam ko tuloy ako si Julia Roberts. CHOS!

Para sa mga hindi nakakalam, madami akong pinuntahan bago ako nakarating dito sa Cotabato. Bakasyon para sa karamihan pero pinilit ko talagang managinip ng gising. Pumunta ako sa America para tingnan kung sakali, kaya ko kaya mabuhay dun ng pangmatagalan. Negative. Pumunta ako sa Thailand para mapatunayan sa sarili ko na magkaiba sila ng Pilipinas. Negative. Ngayong nandito na ako sa Cotabato, patuloy ko pading inaalam kung ano ang maiaalay sa akin ng Cotabato na wala sa kakayanan ng Metro Manila.

Mainit dito. Wala masyadong magawa pag weekend. Delikado sa gabi. Walang magandang mall.. Walang mala-Encore or Republiq na clubs. Walang mala Central or Laiya na bars. Walang Starbucks.. walang KFC. :( Tska ko napatunayan sa sarili ko na hindi naman pala nakakamatay pag hindi ka nakakasabay sa modernization. Naalala ko dati nung nagmamasters pa ako, napagusapan namin sa isang lecture/discussion kung talagang kailangan bang sumabay sa pag upgrade ng buhay ang isang bansa o komunidad para umasenso. Matagal-tagal na diskusyunan yun kung hindi ako nagkakamali. Sabi kasi ng kaklase ko ang asenso ay hindi nasusukat sa pagiging moderno ng kagamitan, pamumuhay at pananalita. Ang asenso ay makakamit mo kapag kuntento at maligaya ang mga tao sa ginagawa nila. Kaso lang nakakainggit naman kung sila may cellphone tayo wala. YUN LANG.

Maraming ibig sabihin ang asenso sa karamihan. Pwede mo itong masukat sa dami ng pera mo sa banko, sa dami ng investments mo sa market, sa dami mong napasayang tao o sa tindi ng self-fulfillment mo. Hindi ko maalala saan ko ba napanood pero sabi dun sa napanood ko, “Success is love.” Kung mahal mo ang ginagawa mo, YUN NA! Ok ibang usapan na toh.. mahal na ang topic e. Joke lang.

Madalas tayong magreklamo, na minsan OA na. Pero hindi natin naiisip na buti nga tayo meron.. sila wala.

Kung ano man ito, alam ko na isa lang ang bagay na magpapasaya sa ating lahat. Yun ang makuntento tayo sa kung anong meron tayo. Hindi ito ibig sabihin na hindi mo na kailangan mangarap. Mangarap kang abutin ang isang bagay na naaayon sa sarili mong kakayanan. Wag kang echusera.

Saturday, November 13, 2010

mga HASEL sa buhay (part 2)

Hasel pag:

28)kakalinis mo lang ng bahay kasi bumaha tapos biglang bumuhos ulit yung ulan.

29) na iputan ka ng ibon sa damit / ulo.

30) nagmamadali kang naglalakad palabas para pumara ng tricycle nang bigla kang nakaapak ng tae.

31) pumasok ka sa klase kahit bumabagyo tapos absent naman pala prof niyo.

32) nag declare ng class suspension ang school.. 5 minutes bago matapos ang last class mo.

33) hangover.

34) ang haba ng pila sa terminal ng tricycle e sukang-suka ka na.

35) may sumamang tae sa utot mo.

36) naihi ka sa pantalon sa sobrang takot.

37) pauwi ka na ng bahay galing office ng ma realize mo na matagal na palang bukas ang zipper ng pants mo.

38) nakipag break sayo ang bf/gf mo kasi gusto niya daw ng "space". (sana sinabi niya, sa outerspace nalang sana siya tumira!)

39) sobrang ok kayo ng boylet/chic mo.. nang malaman mo na taken na pala siya. A$$hoooo!

40) sobrang bagal na internet connection.

41) namatay ang cellphone mo. tapos ayaw na magbukas forever.

42) tinulugan ka ng kausap mo sa telepono.

43) mas vain pa sayo ang boyfriend mo.

44) saksakan ng arte na kaibigan na hindi naman kagandahan!

45) mr. know-it-all na officemate.

46) gutom na gutom na gutom ka na pero hindi ka pa makakain.

47) sobrang sabaw kausap ng kaibigan mo.. nasa mood ka pa naman makipag kwentuhan.

48) bihis na bihis ka na ng biglang i-cancel ng kasama mo ang lakad niyo.

49) 1 point nalang pasado ka na sana!

50) nasa restaurant ka. bigla kang tinawag ng kalikasan. dali-dali kang tumakbo sa CR. pagtingin mo.. solid sa dumi ng CR. BYE GUYS!!!

Thursday, November 11, 2010

mga HASEL sa buhay.

HASEL pag..

1) nag da download ka ng something ng biglang nagloko ang internet mo.

2) solid yung jebs mo tapos walang flush yung inidoro.

3).. tapos walang tubig sa gripo. BYE GUYS!

4) katext mo yung crush mo tapos nakatulog ka.

5) sobrang baho ng katabi mo sa bus.. LRT/MRT.. o kahit saan.

6) dumikit yung bubble gum sa buhok mo.

7) naliligo ka sa gabi tapos biglang nag brownout!

8) hindi na magkasya sayo yung favorite mong damit.

9) sobrang init sa inuman place niyo.

10) may ipis na lumilipad lipad paikot sayo tapos di mo mahuli ahahaha!

11) sobrang ihing-ihi ka na pero walang stop over ang bus na sinasakyan mo.

12) sunod-sunod ang hatching mo habang nagdidrive ka sa highway.

13) pag di tumunog ang alarm clock mo.

14) naiwan ka sa outing niyo.

15) sobrang nagmamadali ka tapos nag hang yung laptop/computer mo.

16) pag lagi kang kinakausap ng crush mo sa personal. hasel yon pag palagi. kasi nakaka conscious. LOL

17) maligamgam yung beer na inabot sayo ng waiter.

18) binasa mo na katawan at buhok mo tapos ready ka na mag shampoo.. e ubos na pala shampoo mo.

19) may wild na tinga na sumiksik sa ipin mo pero wala kang dala na dental floss/toothpick.

20) nadumihan ng bongga ang white shirt mo.

21) nasulatan ng ballpen ang favorite bag mo.

22) sobrang sakit ng ulo mo kinabukasan dahil sa hangover.

23) barado ilong mo dahil sa sipon tapos gusto mo na matulog.

24) maingay ang katabi mo sa eroplano.

25) antok na antok ka na pero gusto pa makipag kwentuhan ng kasama mo.

26) nagising ka ng hating gabi kasi naiihi ka.

27) sobrang lakas ng ulan sa gabi.

...to be continued.

Sunday, October 31, 2010


i love you October! :)

USA - Oct 3-22, 2010
Bangkok - Oct 27-31, 2010

Sunday, July 25, 2010

About Love 'To (basahin niyo!)


*habang nakikinig ng love songs as background music*

“We are made for each other”

Nabasa ko to’ sa facebook. Ang sweet kasi parang sure na siya sa sinasabi niya. Napaisip tuloy ako kung sino ang “made for me” haha! Siguro nasa kabilang sulok siya ng mundo.

Pero paano mo nga ba malalaman kung siya na?

Sabi ng mga nakakatanda, mararamdaman mo daw. E pano yung mga ibang tao na naramdaman na nila dati tapos iba parin yung nakatuluyan nila? Basta! Yun na yun.

Para sa akin, hindi mo malalaman kung sino talaga ang para sayo. Kasi hindi ka naman bubulungan ni Lord o ng konsensya mo ng “SIYA NA TEH!” diba? Minsan nga natatawa ako pag naiisip ko yung mga love stories ng iba kong friends. May iba na mag best friends sila tapos nagkatuluyan. May iba naman first love na nila yun. May iba naman na sobrang hindi nila inakala na sila yung magkakatuluyan kasi mag mortal na kaaway pala sila dati. Meron naman iba na.. wala bigla nalang pag dilat ng mata niya may napaka gwapong lalake na patay-na-patay sakanya. Ok sige ikaw na ang anak ng diyos!! LOL

Nakakatuwa isipin na yung taong ka-close mo ngayon, yung tao na comfy na comfy ka na, e siya pala yung makakatuluyan mo sa huli. Na tipong, inaasar nila kayo pero kunwari ka pa na ayaw mo.. e deep inside kinikilig ka din naman! Or yung ka-bully-han mo, pero deep inside crush na crush mo siya at lagi mo iniimagine pag nagkatuluyan kayo. Ung ganon. MEHGANOOONNN?!

Pero hindi pala talaga pwede maging kayo kasi its either:
a) May gf/bf na siya. Or May asawa na.
b) Ikaw ang may bf/gf na.
c) Alam mong di ka talaga niya type.
d) Guguho ang mundo pag nakatuluyan kayo.
e) Kapatid mo pala siya sa labas (JOKE)
f) Ayaw mo lang talaga mag take ng risk.
g) Magkalayo kayo.
h) Patay ka sa barkada niyo kasi asar talo talaga kayo pag nagkatuluyan.
i) None of the above. Kasi isa pala siyang isda.

Para sa mga ka edad ko o mas matanda pa sakin na SINGLE.. isa kaya sa inyo ang THE ONE ko? (HAHA F na F dapat!)

Napanood ko yung movie dati ni Claudine Baretto at Rico Yan. Binibigyan na siya ng taning ng mga tita niya na tipong pag lumampas siya sa age na yun na wala pa siyang asawa.. tatanda na siyang dalaga. OK THANKS.

Kung sino man ang “made for me” sana iparamdam sakin ni Lord kung sino ka. Wag lang sana na ikaw yung lalake na taga hingi ng bayad sa shuttle van kasi promise to God hindi kita type. AHAHAHAHAHA ang sama ko. Sorry Lord. Joke lang naman e!

Eto seryoso na, madaming tao na nagsasabi na wag maghanap.. kusa yun dadating sayo sa tamang oras, sa tamang panahon. Yun yung pag ready ka na. May nagsasabi din na walang mangyayari sayo kung wala kang gagawin. Dapat matuto kang gumawa ng paraan. Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Basta ang alam ko lang, ready na ko. Siya lang ang hindi ready sakin. Sabi nila hingin mo daw para ibigay sayo. O sige ngayon HINIHINGI KO NA. Amen. =)

Friday, May 07, 2010

ELEKSYON 2010

Simula ng mamulat ako sa politika dito sa Pilipinas, sinuportahan ko ang sino mang umupong presidente dito. Kasi para sakin, iba man sa binoto ng nanay ko ang nanalo.. wala naman kaming magagawa kundi suportahan na lang ang nanalo kesa naman buong buhay nalang kami maninira at magrereklamo sa kanya. Dati un.

Dalawang tulog na lang eleksyon na. Ngayon lang ako naguluhan sa eleksyon dahil napakadaming kandidato na pwedeng-pwede manalo. May kandidatong magaling pero mahina sa hatak sa mga tao. Meron din namang kandidato na hindi naman kagalingan pero napakadaming niyang supporters. Hanggang sa huling dalawang araw bago mag eleksyon, posible pa din magiba ang ihip ng hangin. Pinoy pa! e napaka bilis nating magpalit ng desisyon. Natawa ako sa channel 2 kagabi, sunod sunod.. over-over ang tv ads ng isang kandidato. Flooding kung flooding e. easy lang!

Bago ako boboto, sisiguraduhin kong mapanood muna ang lahat ng interviews ng mga kumakandidato pang presidente. Para malaman ko kung ano ang sagot nila sa pinaka karaniwan pero pinaka mahirap na tanong na kung paano lalabanan ang korupsyon sa Pilipinas.

Sabi ng isa, isusulong niya ang "incentive" o ang pampagana kung tawagin para sa mabuting gawain. Kilalanin ang mga mabubuting gawain. Kung ang nagnanakaw pinaparusahan, kailangan din gantipalaan ang mga tapat.

Sabi ng isa, edukasyon! ang cum laude ng isang pribadong eskwelahan ay kayang magturo sa isang public school. Hindi magkakalayo ang sweldo basta lang magkaroon ng kalibreng edukasyon ang ating bansa.

Sabi ng isa, dagdag trabaho para ma-i-angat ang mga tao sa kahirapan. tanggalin ang kahirapan para walang ma eng-ganyo mangurakot.

Sabi ng isa, kung walang corrupt.. walang mahirap! (haha wala akong maisip na sinagot niya.. *peace*)

Para sa akin, walang pangit na plataporma ng isang kandidato dahil walang sinuman ang hindi magbibigay ng kaya nilang gawin para mapaganda ang pamumuhay nating lahat. HELLO?!?!

Pero isa lang hong paalala: Sana magkaron tayo lahat ng tamang rason para bumoto. Oo guilty ako. Dahil nung una pa lang, tinanong ako kung sinong bobotohin ko. Tinanong ako.. "Bakit siya?" Wala akong nasagot kundi: "Wala lang, e taga las piñas ako e!" Haha toink! sabi ko sa sarili ko, hindi ako makapaniwala na yun ang sinasagot ko. Hindi katanggap-tanggap e. Papatayin ako ng mga ka-klase ko sa masters at mga taong kausap ko lagi about politics. Babatukan nila ako. Totoo yan.

Kaya napaisip ulit ako. Hindi ako nabigo, nagbago ako ng rason.. nagbago din ako ng iboboto.

Para sa ating lahat, maging malawak sana ang pagiisip natin sa pagboto. Hindi porket kaibigan, kakilala, o kapitbahay. Hindi porket gwapo, o mabait. Importanteng kilalanin ang bobotohin. Panuodin ang videos, basahin ang lahat ng tungkol sa kanya. Hindi man manalo, alam mong may kwenta padin ang boto mo. Sabi nga ng isang kandidato, ang kagustuhang magbago ang bayan.. hindi kailangan maging presidente. Kahit matalo, hindi ito dapat maging hadlang para tumigil ka sa pagsisilbi sa bayan. Yun e kung desidido ka sa gusto mong gawin. UN LANG.

*BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN AY MABABAWIAN*

Friday, April 02, 2010

Judge Me Not.

Wala kang karapatan maghusga ng tao kung hindi mo naman alam ang buong kwento ng buhay niya. Sabi nila, kahit pa mukha siyang taong grasa, hindi ka padin nakakasiguro na taong grasa nga siya hangga't hindi mo alam kung sino talaga siya.

Tingnan mo ang isang pinay at isang lalakeng foreigner na magkasamang naglalakad sa Boracay. Iisipin mong putakte ang babaeng ito at ginagamit niya lang ang foreigner para umangat ang buhay niya. Tingnan mo ang isang matandang babae na may kaholding hands na binata. Iisipin mong sugar mommy ng lalake si lola. Tingnan mo ang dalawang lalake na mahilig mag akbayan, iisipin mong bakla sila. Tingnan mo ang dalawang babae na naghoholding hands, iisipin mong tomboy sila. E ang lalakeng naka shades sa gabi... adik. Ang babaeng bigla tumaba.. buntis. E ang babae at lalake na lagi magkasama.. may "something" sa kanila. Ano pa ba? Lahat na.

Masyado mapaghusga ang mga mata ng tao. Mali man, pero ito ang totoo. Kung tanga ka, wala kang ibang gagawin kundi bigyan ng kahulugan lahat ng nakikita ng mata mo. Kung matalino ka naman, wala kang ibang gagawin kundi bigyan ng kahulugan lahat ng nakikita ng mata mo.. palihim nga lang.

Mabuti pa ang bulag, wala silang choice kundi pakiramdaman ang bagay-bagay bago sila maghusga kasi hindi naman sila nakakakita. Kung napaka pangit mo, makikipag date ka ba sa bulag?

Minsan, kahit ayaw mo.. kailangan mo umiwas sa mga bagay na magbibigay kahulugan sa mga mata ng iba. Kahit pa sa pinaka malinis mong konsensya e wala kang ginagawang mali, sa ibang tao.. WALA SILANG PAKEALAM SAYO. Mahirap, pero anong magagawa natin E SA GANON TALAGA! Hindi lahat ng tao makakaintindi sayo kasi hindi naman lahat ng tao pwede mong makausap at pwede mo ipagtanggol ang sarili mo. E ang Diyos nga.. may mga tao padin na hindi naniniwala sa Kanya. E SAYO PA KAYA?!
Sadyang may mga tao talaga na henyo na akala nila lahat ng bagay alam na nila agad ang ibig sabihin. o sige, ikaw na! ikaw na! ikaw na ang diyos!

Para sa mga taong mahilig maghusga, siguraduhin mong kahit kelan, HINDI MO NAGAWA ang parehong bagay na hinusgahan mo. Siguraduhin mo din na mas maputi pa sa labang Tide ang konsensya mo. At ang pinaka huli........... SIGURADUHIN MONG TAMA KA! kasi kung hindi, patay ka sakin. LOL

Monday, October 19, 2009

Maagang Pamasko ni Santa Klaws

2006 - Naalala ko pa nung sa una kong trabaho, nagbalak akong magresign bigla kasi may job interview ako as Spanish Analyst sa isang international organization. Sobra akong na excite at sa awa ng Diyos.. hindi ako natanggap kasi kailangan pala ng MALE sa team nila kasi daw na over power na ng FEMALE. LABO LANG E! Simula non, lalong tumibay ang pangangarap ko na makapasok sa United Nations. Oo, United Nations! Hindi naman siguro masama mangarap diba?

Kalagitnaan ng 2008, sa kainitan ng aking ulo, may nabasa akong story sa email. "Worth the Wait" ung title. Tungkol yun sa isang padre de pamilya na naubusan ng pasensya sa kakahintay magkatrabaho. Natuto na siyang magalit sa mundo at maging pabigat sa kanyang pamilya. Pero sa huli, hindi parin sakanya nagtampo ang Diyos. Binigay parin sakanya ang matagal na niyang hiniling na trabaho. Pagkatapos ko yun mabasa, hindi na yun nawala sa isip ko. Sabi ko sa sarili ko, baka nga sa akin din, may plano din si Lord.

Pero sa paglipas ng panahon, wala pa rin akong trabaho. Nakalimutan ko na rin ang salitang pasensya. Hindi ko naiwasan ikumpara madalas ang sarili ko sa iba. Bakit sila may kwenta ako wala? Kung nasubaybayan niyo ang mga blogs ko, puro “emo” ang laman ng storya ko dahil nauubusan na ko ng pag-asa. Nawalan narin ako ng gana maghanap ng trabaho dahil masyado narin ata ako nawili maging bum (estudyanteng walang trabaho). Hingi ng allowance sa parents para pambisyo. Masaya? Oo Masaya.. pero nakakahiya. Kung siguro wala lang akong pakiramdam, hindi siguro sasagi ang salitang “hiya” sa isip ko. E pero ganon e…….

Nagdasal ako, wala. Pakiramdam ko hindi sakin nakikinig si Lord kasi hindi parin ako natatanggap sa kahit anong trabaho. Sinisi ko na ang recession (no choice). Bakit ba kasi wrong timing ang pagiging jobless ko? Tumayming pa sa recession edi lalo ako nahirapan maghanap ng trabaho. ECHOS! Nasanay na rin ata ako kahit papano sa rejection kasi lagi nalang ako hindi natatanggap. Wala rin naman napapala yung pagmamasters ko. Feeling ko pa nga, naging hadlang pa yun sa paghahanap ko ng trabaho e.

Pero hindi, buti nalang naisalba ko ang sarili ko sa pagkahibang. Natuto ako magdasal ng tama. May naging favorite pa nga akong kanta e. Yung “While I’m Wating” by John Waller

I'm waiting
I'm waiting on You, Lord
And I am hopeful
I'm waiting on You, Lord
Though it is painful
But patiently, I will wait

I will move ahead, bold and confident
Taking every step in obedience

While I'm waiting
I will serve You
While I'm waiting
I will worship
While I'm waiting
I will not faint
I'll be running the race
Even while I wait

I'm waiting
I'm waiting on You, Lord
And I am peaceful
I'm waiting on You, Lord
Though it's not easy
But faithfully, I will wait
Yes, I will wait

I will serve You while I'm waiting
I will worship while I'm waiting
I will serve You while I'm waiting
I will worship while I'm waiting
I will serve You while I'm waiting
I will worship while I'm waiting on You, Lord

Sabi sa kanta, hindi lang basta-basta ang paghihintay. while we're waiting on God is to not just wait but to actively wait. Serve, worship and be faithful with what you have, where you are... even while (you) wait.

Paulit ulit ko tong pinapakinggan lalo na kapag nawawala na naman ang pasensya ko sa buhay. Oo na ang baduy ko na, pero kung hindi ako naghintay, hindi ako matututo maghintay ng tama. Oo naiinip ako minsan, tao lang ako e. Pero hanggat makakaya ko, iniiwasan kong mag alburoto.

Friday - Exam palang nagdugo na ilong ko sa mga tanong. Buti nalang sa computer sasagutan yung questions, atleast bawas hasel. Eto na ang interview, hindi na ko nahiya, kung pwede ko lang ikwento ang mga pinagdaanan ko ginawa ko na. E ang kaso.. hindi. Ang nasabi ko lang.. “you know what, this is my dream job.” *sabay ngiti* Pagtapos ng ilang araw, nakatanggap ako ng mala radio-contest-call. Oo napatalon ako sabay iyak. AHAHAHAHAHAHAHAHA!

Halos ilang taon din akong nag-imagine. Sa tinagal-tagal kong naghintay, eto pala ang plano sa akin ni Lord. Nagalit na ko’t lahat, hindi parin pala Siya nagtampo sa akin. Salamat sa hindi pagtanggap sa akin sa bangko. Salamat sa hindi pagtanggap sa akin sa isang Eskwelahan. Salamat. Kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magiging matatag sa kakahintay na makapagtrabaho sa UN.

Oo tsong, sa United Nations!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Saturday, October 03, 2009

Bagyong Ondoy

Ang ngiti na tagal ko nang hindi nakita, ang iyak sa tuwa na tagal ko nang hindi narinig, namiss ko yun, ngayon ko lang ulit nabalikan.
Pagkatapos ng halos limang taon, ngayon lang ako ulit nakatulong ng ganito. Tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon, kung hindi pa dumating si Ondoy, hindi na mauulit ang pag volunteer ko. Sige na nga, salamat narin Ondoy. Haha
Sabi ng mga hindi nakakaintindi, wala naman daw naidudulot na matino yun sa akin. Bakit daw kailangan ko pa gawin yun? Ang sagot ko.. E BAKIT BA! E SA DUN AKO MASAYA E. LANG PAKELAMANAN!
Hindi ko alam kung anong puso ang meron ang isang volunteer. Sabi sa Pearl Harbor movie "there is no stronger that the heart of a volunteer. Sabi ko naman, "ok thanks!" ahahahaha hindi loko lang. Para sa mga nagkukusang loob na gumawa ng mabuti sa ibang tao, para sa mga taong hindi humihingi ng kapalit, ang titibay niyo din noh! Kasi walang humpay ang pagpapagod niyo para sa iba.
Lahat nga naman ng pangyayari may dahilan. Kasi kung hindi kay Ondoy, hindi magpapanic ang mga tao sa Luzon. Hindi mahuhukay sa baol ang salitang "bayanihan". Dahil kung tutuusin, sa dinami-daming disaster ang nangyari sa pinas, lahat halos sa mga probinsya bumagsak noon. Asan na ang politician, artista at libo-libong volunteers? Ayun, steady lang. Sorry pero totoo naman diba?! Na-bother siguro si Lord, sabi Niya kailangan pa ng matinding pampagising para sa atin. KABOOM! September 26.. bumaha ng bonggang-bongga sa Luzon. Naglanguyan at naglutangan ang mga Manilenyo sa swimming pool na kulay brown at black. State of calamity sabi ni PGMA, tumigil ang mundo ng mga gimikero at gimikera. Natuto magdasal ng mahaba ang mga tao, natuto mag status sa Facebook na hindi kalokohan, natuto mag-alala sa kapwa. Eto na ba toh Lord?
Sabi ni Lord, "oo.. NICE NOH?!"

Life Begins @ Forty

At this age, I always remind myself to keep my feet on the ground and never forget where I came from. I once read, “By not forgetting where ...