Monday, September 18, 2006

SHARING

Tuwing retreat, hindi mawalala ang usapang pamilya, pagmamahal, at ambisyon. Tuwing inuman, hindi mawawala ang usapang love life, samaan ng loob at kalungkutan. Tuwing kwentuhan, hindi mawawala ang usapang may tawanan, iyakan at murahan. Sa dina-daming beses na nakipagkwentuhan ako, mabibilang ko lang ata ang beses na sinambit ko ang usapang pamilya.

Ilang buwan na din na ganito ang “setup” ng aming pamilya. Nasa bording house tumutuloy ang kuya ko(malapit daw sa eskwelahan niya), busy sa pagpapagawa ng bahay ang tatay ko, sunod-sunod naman ang duty sa ospital ng nanay ko, at araw-araw naman akong wala sa bahay dahil sa trabaho, eskwela at iba pa. Nang bumalik ang tatay ko galing sa barko, isang beses pa lang ata kami kumain sa labas. Father’s day yon kung hindi ako nagkakamali. Ngayon, nagbabalak na ulit sumakay sa barko si daddy. Ngayon, bilang na lang sa isang kamay kung ilang beses kami kumain at nagsimba ng sabay-sabay. Minsan, di ko mapigilan malungkot. Isang umaga, katok ng katok ang nanay ko sa pintuan ng kwarto ko. Irirtang-irita ako dahil akala ko ginigising lang ako, yun pala nagpapatulong. Bantayan ko daw tatay ko dahil nahihilo, di makabangon……. Nang malaman kong may sakit ang tatay ko, nagkataon ding nagkasabay kaming kumain ng hapunan (wala ang kuya ko shempre). Dun ko napansin na matanda na nga talaga ang nanay at tatay ko. “Shet, andami na niyang putting buhok!” Matagal-tagal na ngang di ko sila napagmamasdan at nagulat ako sa itsura nila. Dun nag “sink-in” sakin na madami nang bagay ang dumaan..lumipas..at nagbago sa amin. Matanda na sila mommy at daddy, paano yan?

Di pa kaya ng sweldo ko na suportahan ang aming gastusin, di pa tapos sa kolehiyo ang kuya ko, marami pang luho ang pamilya ko na di pa natatanggal sa sistema namin. Paano yan kung di na kaya magbanat ng buto ang mga magulang ko? Saan kami pupulutin ng kuya ko.. sa kangkungan? (shiets) Pakiramdam ko kasi, patagal-ng-patagal, nagiging “fragile” na ang mga magulang ko. Pakiramdam ko, d sila pwede magpagod dahil baka magkasakit sila bigla. Nakakatakot kaya yon!

Kung tatanungin ako, wala nang ibang isyu sa buhay ko ngayon kundi ang katayuan ng pamilya ko. Malungkot e. Dati-rati, sumasabay pa akong magsimba kasama nanay ko, ngayon hindi na talaga. Dati-rati, sumasabay akong kumain sa tatay ko, ngayon hindi na talaga. Dati-rati, nakikipagtalo pa ako sa mga tao sa bahay sa kung anong palabas sa TV ang papanuodin namin, ngayon hindi na talaga. Sa dami kong ginagawa, di ko namamalayan madami akong nakakaligtaan sa buhay ko.

Pare, namimiss ko na ata sila…


Saturday, June 24, 2006

World Cup vis-à-vis the United Nations

My officemate once asked me if what’s my team in World Cup, I was baffled because I was never a fan of such tournament. While scanning my friendster, one of my classmates (CDA people from college) posted an article made by Kofi Annan who is the Secretary General of United Nations. I thought it’s very inspiring especially for those from the diplomatic world.


At the United Nations, how we envy the World Cup
BY KOFI A. ANNAN 11 June 2006

YOU may wonder what a secretary general of the United Nations is doing writing about football. But in fact, the World Cup makes us at the United Nations green with envy. As the pinnacle of the only truly global game, played in every country by every race and religion, it is one of the few phenomena as universal as the United Nations. You could even say it’s more universal.

Fifa has 207 members; we have only 191. But there are far better reasons to be envious. First, the World Cup is an event in which everybody knows where their team stands, and what it did to get there. They know who scored and how and in what minute of the game; they know who missed the open goal; they know who saved the penalty.

I wish we had more of that sort of competition in the family of nations. Countries openly vying for the best standing in the table of respect for human rights, and trying to outdo one another in child survival rates or enrolment in secondary education. States parading their performance for all the world to see. Governments being held accountable for what actions led them to that result.

Second, the World Cup is an event that everybody on the planet loves talking about, dissecting what their team did right, and what it could have done differently — not to mention the other side’s team. People sitting in cafes anywhere from Buenos Aires to Beijing debate the finer points of games endlessly, revealing an intimate knowledge not only of their own national teams but of many of the others too, expressing themselves on the subject with as much clarity as passion.

Normally tongue-tied teenagers suddenly become eloquent, confident, and dazzlingly analytical experts. I wish we had more of that sort of conversation in the world at large. Citizens consumed by the topic of how their country could do better on the Human Development Index, or in reducing the amount of carbon emissions or the number of new HIV infections. Third, the World Cup is an event that takes place on a level playing field, where every country has a chance to participate on equal terms. Only two commodities matter in this game: talent and teamwork.

I wish we had more levellers like that in the global arena. Free and fair exchanges without the interference of subsidies, barriers or tariffs. Every country getting a real chance to field its strengths on the world stage. Fourth, the World Cup is an event that illustrates the benefits of cross-pollination between peoples and countries. More and more national teams now welcome coaches from other countries, who bring new ways of thinking and playing.

The same goes for the increasing number of players who, between World Cups, represent clubs away from home. They inject new qualities into their new team, grow from the experience, and are able to contribute even more to their home side when they return. In the process, they often become heroes in their adopted countries — helping to open hearts and broaden minds. I wish it were equally plain for all to see that human migration in general can create triple gains — for migrants, for their countries of origin and for the societies that receive them. That migrants not only build better lives for themselves and their families, but are also agents of development — economic, social and cultural — in the countries they go and work in, and in the homelands they inspire through newly won ideas and know-how when they return.

For any country, playing in the World Cup is a matter of profound national pride. For countries qualifying for the first time, such as my native Ghana, it is a badge of honour. For those who are doing so after years of adversity, such as Angola, it provides a sense of national renewal. And for those who are currently riven by conflict, like Ivory Coast, but whose World Cup team is a unique and powerful symbol of national unity, it inspires nothing less than the hope of national rebirth. Which brings me to what is perhaps most enviable of all for us at the United Nations: The World Cup is an event in which we actually see goals being reached. I’m not talking only about the goals that a country scores; I also mean the most important goal of all — being there, being part of the family of nations and peoples, celebrating our common humanity. I’ll try to remember that when Ghana plays Italy in Hannover on June 12. Of course, I can’t promise I’ll succeed.

Kofi A. Annan is Secretary General of the United Nations. This article first appeared in the International Herald Tribune

Wednesday, April 26, 2006

20060422

It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the night. It’s all about planning your life ahead, losing your dream and letting go the things that were not meant for you. I have this feeling that I was planned to stay home and watch that movie for me to realize a lot of things that I don’t understand personally. It was a happy-ending story but I ended up crying. I cried because I felt the emotion of the lead character. I cried because I felt that my life was a bit similar to Stacey’s. I cried because I was moved.

I’m turning 21 this August, I graduated last year, I got a job a month later and now I have my own savings in my account. I’m single but not searching at the moment. I don’t know if I’m in the right path but I’m pretty sure that I’m still stable. I am looking forward for a better opportunity someday and I know that I should strive harder to get it.

Early this year, I’ve been in a transition stage of my life. God really challenged my strength and I must say that it was very arduous and all. I went through volatility. Beer again became my best bud as well as my other vices. I must say that, that was the hardest part of my story. However, He still helped me to survive. He gave me everything I needed, except one thing that I know was really not for me. I then learned that my whole life, I was just preparing myself for the best. Mistakes, rough moments that I underwent were all meant for me. The times that I thought it was the end of the world and all. The times that I thought I was the saddest person on earth. Those were the times that I thought I had to cry because the best thing I wanted is gone. But as a matter of fact, the best thing is just on its way.

Ironically, I even wanted to thank my boss for scolding me one time because that pushed me to work harder. Work harder means more money. Yahey! Ahahahaha!!

Someone asked me if what’s my top most priority at the moment. I said career. Yes, that’s right. I want to make more money for my future. And with that, I can pay somebody to make me happy. *wink

Monday, March 27, 2006

Isang Daan = Piso


Malaki na daw ang halaga ng cinco sentimos noon. Lalo naman ata ang sinkwenta pesos. Naalala ko sabi ni ermat, mahal na daw ang isang daang piso noon. Pero ngayon, parang piso na lang ang halaga nito. Paano pa kaya ang halaga ng isang-daan sa susunod na henerasyon? Di mo na namamalayan, papel na ang pambayad sa dyip at traysikel. At hindi na uso ang suklian na barya sa tindahan.

Sabi ko nga, parang kailan lang… limang piso lang busog ka na sa saba con yelo pang merienda. Parang kailan lang, dalawang piso lang ang pinambabayad sa pamasahe. Parang kailan lang, malutong na limang piso lang ang pinamimigay na pamasko sa mga inaanak.

Minsan nga pag nanunuod ako ng isang milyong pa premyo sa tv. Parang gusto kong sigawan iyong host na.. HOI! HINDI NA UUBRA ANG ISANG MILYON NIYO! Parang.. “helloooooo? 1 million is like… whaaaat-evr!” ahahaha. (joke lang!) Diba? Diba? Diba? Antagal na ng isang milyon na yan e.. sana naman gawin na nilang isang milyon at tatlong piso ang premyo para mas exciting! Pero oo na.. sige na, saan ka nga naman dudukot pandagdag sa isang milyon e ang hirap hirap na nga ng buhay ngayon.. Pero, pucha!! Bakit ka ba nakekealam?!

Naku, siguradong daan-daang libo na ang tuition fee ng kolehiyo pagdating ng panahon! Kaya nga sabi ko sa nanay ko, pag ako nagka-anak, pang tatlong taon lang ng kurso at sa public iskul ko lang siya papaaralin noh! Hindi pepwede sa akin ang masteral o trimester na unibersidad! Naku naku naku! Huwag siyang maluho baka gusto niya wag ko na siya paaralin! Ahahaha joke lang ulit.

Sabi nga ng ka-opisina ko.. “naku mam! 1.5million lang po! Murang mura na po iyon..” eh.. (ano kamo?) murang-mura? E kamuntikan na ngang mapamura iyong kliyente sa presyo e. ahahahaha!

Ganoon nga talaga ang panahon. Habang tumatagal, nagmamahal ang pamumuhay ng mga tao. Pero, ganoon pa din ang presyo ng sweldo sa trabaho. Badtrip.

Un lang.

Wednesday, March 08, 2006

.....

Ano na ba balita sa radyo at tv? Ang una kong nabalitaan, nag diklara ng “State of Emergency” si PGMA tapos ang sunod ko nang nabalitaan sa nanay ko, bakla daw si Rustom. Aba! Aba! Aba! Teka… May koneksyon ba ang dalawang balita na nakuha ko? Ahahaha biro lang.

Nakatanggap ako ng text nung isang araw, 13days daw pagtapos manalo si Pacquiao, nagka stampede sa ULTRA. 13days ulit, nagka-landslide naman sa Leyte. At pagtapos ng 13days ulit, BAKLA SI RUSTOM! Huwaaaat? (patay tayo jan!) biro lang.. peace tayo Carmina! Ahahaha labo……


International Women’s Month ang buwan ng Marso. E ano ngayon? Wala man lang party.. hasel!

Saturday, February 25, 2006

Magyabang Ka Hangga’t Gusto Mo!!

Anong masarap gawin para sayo? Matulog, kumain, manuod ng tv, humilata, makipag-inuman, magyosi, magbasa ng libro, maligo, makipag-kwentuhan, o makipag-lampungan? Hindi ba sumagi sa isip mo na masarap din makipag-yabangan?

Yun bang nagkasama-sama kayo ng mga kaibigan mo tapos may bagong balita tungkol sayo na puwedeng-puwede mo ipagyabang.. Pero siguraduhin mong may katuturan para hindi ka matabla ng mga kasama mo. Na kulang na lang e, ipaskil mo sa noo mo na: “MAY IPAGYAYABANG AKO!” yehey..

Ansarap magyabang lalo na kung pinag-hirapan mo talaga tapos kahit anong sabihin nila, paniwalang-paniwala ka sa sarili mo na umangat ka kahit papano. Hwag mo akong masamain pero totoo naman diba? Kung wala kang yabang, korny ka na masyado! Magisip-isip ka na dahil anong petsa na, wala pa ding bago. (Wag mo lang sobrahan ang yabang mo, utang na loob.)

Bago… Bagong napuntahang lugar, bagong napag-aralan, bagong trabaho, bagong nasulat na kanta/tula/artikulo, bagong naipundar.. sa madaling salita, bagong naabot! Kuha mo na?

(Hindi ko na sinama yung mga bagong bagay na walang kakwenta-kwenta.)

Ganito na lang, naranasan mo na ba na may graded recitation sa klase, tapos may tanong ang masungit na hindi naman kagandahan/kagwapuhan mong titser tapos… NASAGOT MO!!! (Lakasssssss) tapos sabay hiyaw ng mga kaklase mo dahil ikaw lang ang may-alam ng sagot. Ansarap magyabang at isampal sa mga kaklase mong matatalino at mahilig magdamot ng sagot na matalino ka at bobo sila sa mga panahon na iyon! Bwahahaha! O kaya, nakapasa ka sa exam na hirap na hirap ang iba sagutan. HANEP! Painom ka naman!

O diba, mga bagay na ganyan, sige lang at ipagyabang mo! Wala naman masama. Mga naabot na walang makaka-angkin na sinoman. Sayo lang, puwede din nilang maabot pero walang makakapantay ng pakiramdam na naramdaman mo sa mga oras na iyon.

Kung ikaw ang taong walang napagyayabang sa kahit anong kwentuhan, matulog ka na lang.

Ikaw ba ang taong o may kilala ka bang taong marami nang mapagyayabang o sabihin na nating, mataas-taas na ang naabot? Na pakiramdam mo, kahit anong gawin mo, lamang pa din siya ng isang paligo sayo. Naalala ko yung propesor ko noong kolehiyo. Sobrang nakakatakot magturo. Yung tipong, hindi ka puwede magpakita sa kanya kung wala kang alam sa subjek niya. Hindi mo siya puwede sumbatan dahil kahit anong pakikipagtalo, hindi ka talaga mananalo sa kanya. Galing! Sabi nga ng kaklase ko, may karapatan magtaray at manakot ang propesor naming iyon dahil talagang madami na siyang naabot sa buhay. Naabot na puwede ko, mo ding maabot.

Sabi ko nga sa sarili ko, pagnagkita kami ulit ng propesor kong iyon, dapat may ipagyayabang na ko. Para hindi niya isipin na nagtapos lang ako sa pag-aaral tapos wala lang. Dapat pag tinanong niya ako kung ano ang pinagkaka-abalahan ko, dapat may ma-isasagot ako na may katuturan. Ahahahaha!

E, ikaw?

Saturday, February 04, 2006

Makuha Ka sa Tingin

Siguro naman nabalitaan niyo na ang nangyaring trahedya sa Ultra kaninang umaga. Stampede na pumatay ng maraming tao, teka… pumatay ng maraming matatandang babae pala. Nakakagulat, hindi natin akalain na aabot sa ganito kagrabe ang problema ng kahirapan sa bansa. Na may mga matatandang gusto pang makipagsapalaran sa mga matataong lugar at makipaglabanan sa siksikan, sa init at sa gutom para lang sa magandang kapalaran na wala namang kasiguraduhan. Ultimo mga sanggol dinala pa baka sakaling swerte hindi ba?

Hindi ko alam kung ano ang gusto palabasin ng kapalaran kung bakit ganito kalala ang pangyayari kanina. “God works in mysterious ways” ika nga. Ano kaya ang gusto palabasin sa atin ng Diyos? Sabi nga ni Sharon Cuneta, “ilang wake up calls pa ba ang kailangan natin?” TAMA! Naisip at natanong mo din ba yun sa sarili mo? Kung gaano kasaya ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa boxing, ganoon din kalungkot ang pagkamatay ng mga tao sa stampede. Pero ano-pa-man, naging saksi ang media sa pakikiramay ng mga nakararami sa mga naagrabyado. Maniwala man kayo o hindi, nabubuklod lang daw ulit ang isang watak-watak na pamilya pag may sumulpot na malaking problema/trahedya sa kanila. Nakakalungkot isipin pero ito na nga ang epekto ng realidad na ating ginagalawan.

Ngayon, naniniwala na ko na kung gaano kabigat o kagrabe ang problema/trahedya na nakatapat sayo.. ganoon din kagrabe ang kamalian na kailangan baguhin sa buhay mo. Teka, naiintindihan mo ba? Ahahahaha. Ganito na lang, halimbawa na nga lang na sobrang lala na ang away ng inyong pamilya yung tipong halos hindi na kayo mapagsama-sama kahit ano pang pagtitipon-tipon ang gawin niyo.. nang biglang namatay ang isa sa kapamilya niyo. At dahil dito, nanaig ang pagiging magkakadugo ninyo at nagkabuklod-buklod na kayo ulit…O kaya, dahil sa napakatamad mong estudyante na wala ka na atang balak magtapos ng pag-aaral. Tapos sa sobrang konsumisyon sayo ng tatay mo dahil hindi ka na makuha sa ano pang pagalit o pagtatampo, bigla siyang naatake sa puso. At dahil don, natauhan ka at minabuti mo nang tapusin ang pag-aaral mo.

Kuha mo na?

Kung sa eskwelahan pa, kung hindi ka makuwa sa tingin ng titser mo dahil sa kaingayan at pagbubulabog mo... mapipilitan siyang palabasin ka sa room ninyo. Ganoon din siguro ang Diyos sa aking paniniwala. Na kung hindi ako/ikaw/tayo makuha sa isang simpleng hudyat ng Diyos na kailangan nating ituwid ang ating pagkakamaling nagawa sa buhay, mapipilitan siyang gumawa ng paraan na lalo tayong masasaktan/mahihirapan para lang maging malinaw sa atin na wala na sa tamang direksyon ang ating napupuntahan. Nasasayo na lang siguro iyon kung paano mo iintindihin ang mga pahiwatig Niya sa iyo.

Mabalik tayo sa nangyari na stampede sa Ultra… Maghihintay pa kaya tayo na mangyari sa atin o sa mga kababayan natin ang mas-malalang trahedya? At para sa kanya-kanyang buhay, maghihintay ka pa bang may mangyaring trahedya sa buhay mo bago ka mamumulat sa katotohanan na mali na ang landas na dinadaanan mo?

Wednesday, January 11, 2006

PITIK

Para sa mga taong hindi marunong magpahalaga ng mga nagmamahal sa kanila. Para sa mga anak na minumura mga magulang nila. Para sa mga walang modo. Para sa mga boss na kung magbigay ng deadline sa empleyado e parang wala nang bukas. Para sa mga nanay na pinamimigay ang mga anak. Para sa mga nagtatapon ng salapi at akala yata nila natatae ang pera. Para sa mga matapobre na kala mo naman kagandahan. Para sa mga sadista. Para sa mga swapang sa sagot sa exam. Para sa mga walang awang mga professor. Para sa mga manhid at hindi marunong makiramdam sa nararamdaman ng ibang tao. Para sa mga hindi nag-iisip at nung nagpasabog ng kabobohan ang Diyos e, nasalo nila lahat. Para sa mga walang ka-kwenta-kwentang boyfriend/girlfriend. Para sa mga walang pakealam sa kinabukasan. Para sa mga ubod ng batugan. Para sa mga gago at kupal. Para sa mga manloloko. Para sa mga hindi nagbabayad ng utang. Para sa mga bastos. Para sa mga sinungaling. Para sa mga chismosa. Para sa mga mahilig manira ng puri. Para sa mga nangiiwan sa ere pag group project/report. Para sa mga napapabaya sa pag-aaral. Para sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Para sa mga takaw-away. Para sa mga mayayabang. Para sa mga nangotngotong na pulis. Para sa mga babaerong tatay. Para sa mga malalanding kababaihan. Para sa mga hayok sa kababuyang gawain. Para sa mga mamamatay tao. Para sa mga rapist. Para sa mga walang pakealam sa bansa. Para sa mga snatcher ng cellphone at bag. Para sa mga druglords, para sa mga abusero. Para sa mga hacker ng account sa atm. Para sa mga pumapatay ng mga aso. Para sa inyo lahat ito…

Etong para sainyo…

_l_ pakamatay na lang kayo.. mgagago!

Wednesday, January 04, 2006

ONLI IN DA PILIPINS

"Paano mo malalaman kung dugong pinoy ang pinagtanungan mo ng direksyon? Sagot, kapag may kasamang nguso sa pagturo ng kanan o kaliwa."

Hindi mo naman maikakaila ang mga magaganda, di maganda at lalong-lalo na ang mga nakakatawang kwento na sa pilipinas mo lang naman matatagpuan.

1. Sino nagsabing ang gamot sa sprain ng ankle ay para doon lang? Hindi yata! Puwede rin ito gamitin para mapatawa mo ang sarili mo ng higit sa limang sigundo.

2. Sino may sabing ang kape ay iniinom lang? Hindi yata! Puwede mo din itong ihalo sa kanin para sa katakam-takam na umagahan.

3. Sino may sabing sa umaga lang tumitilaok ang manok? Hindi yata! Kahit hapon o gabi puwedeng puwede pa rin sila magbanta.

4. Sino may sabing kadiri ang palaka? Oo nga.. nandun na ko. Pero alam niyo bang puwede din itong kainin?

5. Sino may sabing mahilig mag-aksaya ng pagkain ang mga pinoy? Aaaah.. mali kayo don! Dahil ultimo kasuluk-sulukan, kasingit-singitan ng bahagi ng katawan ng manok ay napapakinabangan.

6. Teka, bakit mo pinansusulat yang pentelpen mo? Puwede rin yan amuyin at singhutin.. teka, akin na……

7. Sinong nagsabing masyadong maraming mahirap sa pilipinas? Di yata! Kahit sino dito may cellphone! Kala mo ha…

8. Sino may sabing bastos ang mga pinoy? Hindi yata! Kahit galit nga, malambing pa din. Tanong mo sa mga ilonggo..

9. Teka, bakit niyo tinatapon ang nasirang plastic balloon? Puwede pa yan gawing bebol gam.

10. Tska, bakit wala masyadong binebentang trench coat dito sa atin? Puwede mo din naman ito gamitin pang porma kahit mainit. Ahahahahahahaha

11. Wala na ba kayong pampulutan? Asusena puwede.

12. Natatakot ka bang mahuli na nanay mo na nagyoyosi ka? Natatakot ka bang mangamoy usok ang daliri mo? Gamitan mo ng straw ang yosi tuwing hihithit ka para di mo mahawakan.

13. Napapaitan ka ba sa redhorse? Narinig mo na ba na ang extra joss ay puwede mong ihalo dito para matamis ang lasa ng beer mo?

14. Paikutin mo ang takbo ng relos mo. Gawin mong isang oras, pabalik. Kasi pag sinabing 9:00am ang meeting, 10:00am talaga iyon! Tanga!

15. Lampas labing-walong gulang ka na ba? Ok lang yan, nandiyan pa naman si mommy para bigyan ka ng allowance.

Tuesday, December 27, 2005

Parang Kailan Lang

Naghihintay ako ng tricycle sa may kanto nang hindi ko inaasahang makita ko si Ate Lina. Siya lang naman ang nag-alaga sa akin ng 19 na taon. Grabe no? Hindi ko akalaing matatapos din yun at makikita ko siya na may inaalagaan nang ibang tao. Hindi ko kinaya nang marinig kong tawagin siyang “yaya” ng bagets na kasama niya. Naaalala ko pa dati, ayaw ng nanay kong tawagin siyang yaya dahil ate daw dapat ang turing ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil pagod lang ako at ganon na lang ang lungkot na naramdaman ko sa mga minutong iyon. Sa haba ng pila sa terminal ng tricyle, ilang beses niya akong binalikan sa pwesto ko para kamustahin. Hindi mo maikakaila ang tuwa sa kanyang mga mata ng sabihin kong may trabaho na ko. “Grabe parang kailan lang…” iyon ang huli niyang sinabi sa akin. Gusto ko pa sanang ikwento sa kanya ang mga bagong nangyari sa akin simula nang umalis siya sa bahay namin. Gusto ko pa nga sana siyang yayain makipag-inuman pero mukha namang hindi na puwede.

Panahon nga naman… ka’y bilis kung lumipas. Hindi mo na mamamalayan na may mga bagay na dumaan sa buhay mo ng ganon na lamang kabilis. Isang iglap lang, nagbago na.

Parang yung kasama ko kanina, parang kailan lang… ngayon parang wala nang nangyari. Naaalala ko pa dati, sa mga panahong ganito masaya pa kami non habang naglalakad nang magkahawak ang kamay. Ngayon, hindi na. Magkasama kami pero hindi na kami magkadikit maglakad. Parang kailan lang, hinahatid niya pa ako pauwi pero ngayon mag-isa na lang akong nakapila sa terminal ng tricyle.

Parang kailan lang, at papalitan ko na naman ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Parang kailan lang, bente uno na ko sa susunod kong kaarawan. Hindi na daw ako teenager sabi ni mommy. (ahahaha badtrip!)
Parang kailan lang, hindi na libro ang dala ko pag-umuuwi ako kundi ang blazer kong itim na ginagamit ko sa opisina. Naaalala ko pa dati, pabigat ng pabigat ang mga libro na binibitbit ko dahil naging madalas na ang pagbabasa sa aking kurso.

Talaga nga namang “time flies” ika nga. Nakakatawa pero hindi nakakatuwa paminsan. Nakakapanghinayang pero para sa akin mas nakakalungkot………

Monday, December 19, 2005

Paano Lang... Diba?

Paano kung ang pinakagusto mong trabaho ay biglang nawala sayo. Paano kung ikaw ang tinanghal na panalo sa paligsahan na hindi mo naman pinaghirapan. Paano kung nanalo ka sa lotto pero hindi naman pala talaga. Paano kung nakulong ka pero wala ka namang kasalanan. Paano kung pinagbintangan ka sa gawaing hindi mo naman talaga ginawa. Paano kung ang pinaka-ayaw mong tao ang magliligtas sayo sa kapahamakan. Paano kung ang pinakamamahal mong tao sa matagal na panahon, bigla mong naisip iwasan dahil ayaw mo na pala. Paano kung ang pinaka-magandang babae sa pinagtatrabahuan mo, masama pala ang ugali. Paano kung nagkagusto ka sa kaibigan ng ka-relasyon mo na hindi mo sinasadya. Paano kung bigla kayong naghirap sa buhay. Paano kung biglang nawala sayo ang taong espesyal sa buhay mo. Paano kung, inagaw ng bestfriend mo yung syota mo. Paano kung biglang namatay yung nanay mo sa kalagitnaan ng iyong pagiging dependent. Paano kung hindi na pala kayo magkikita ng kaklase mo na crush na crush mo dahil umalis na pala siya ng bansa. Paano kung nahulog ang loob mo sa isangt taong, hindi mo akalaing magiging kayo. Paano kung namatay na ang girlfriend mo o boyfriend. Paano kung bigla kang naaksidente at napinsala ang isa sa bahagi ng katawan mo. Paano kung bigla kang nabulag, nabingi o nagiging pipi. Paano kung pag-uwi mo, naabutan mong nasusunog ang mala-mansyo niyong bahay. Paano kung nalaglag ang pinaka-una mong baby.


Paano kung pag-gising mo, biglang nag-iba na takbo ng mundo at ihip ng hangin. Paano kung huli na pala ang lahat tsaka ka lang nagsisi. Paano kung, wala ka nang magawa para ibalik ang dati?


Tuesday, December 06, 2005

Opisina

Hindi ko na alam gagawin ko dito sa opisina. Anlungkot lungkot. Ako ang pinaka-unang dumating sa kwarto, ako na nagbukas ng ilaw, computer at ng aircon. Kulang na lang ako na mag walis dito at magtapon ng basura para kumpleto na. Naka-sara pa ang local phones at ang local connection ng internet kaya naman minabuti ko nang umakyat sa pangatlong palapag para tanungin kung ano ang puwede kong gawin para mabuksan lahat ng koneksyon sa kwarto ng Playa Calatagan department. Pag minamalas ka nga naman, naapakan ko pa ang paa ng head ng security dito sa office. "ARAY!" ay… "sori po.. Sino po ba dito si Ms. Myrna?" "AKO!"

Ganon ba talaga pag bagong empleyado ka at sinusungitan ka ng karamihan? Pinaguusapan at sinusundan sundan ng mga mata sa paligid? Naiiyak na ko seryoso, para akong nag america mag-isa, anlapit lang ng pinagtatrabahuan ko pero parang anlayo-layo. "So near yet so far" ika nga… oo nga at may trabaho na ko sa wakas, alam naman ninyo kung gaano ko ginusto magtrabaho pero mas masaya pala talaga sa eskwelahan. Yun bang, kung kailan ko gusto umalis, at umuwi magagawa ko. Iskul bukol ba kung baga. Hindi na nga ako nakakain ng tanghalian kahapon dahil wala akong kasama at nawalan na lang talaga ako ng gana. Masyado na ba akong nagmumukhang kawawa sa mga sinasabi ko o hindi naman? Pero wag ka, bago ang suot kong polo at blazer ngayon. Dinaan na lang sa bagong damit para pampalubag loob diba?

Limang minuto bago mag 8:30 ng umaga ako dumating dito. At wala akong hinihintay na oras kundi ang mag 5:30pm para makauwi na ko sa mundo ko. Nagbaon na ko ng sandwich para naman hindi na ko maghahanap ng kasama kumain ng tanghalian, merienda at kung ano-ano pa. Naiinis ako… anim na buwan pa akong magiging ganito. Iniisip ko na kung kailan kaya ako puwede chumempo at mag reresign na ko talaga! Badtrip! Nasa harapan ko pa yung malahiganteng aircon at jusko, ikaw na ang pinaka lamigin na tao sa balat ng lupa… umiyak ka na lang. (ahahahaha)

Haaaay buhay, pag may ligaya dapat talaga magsakripisyo ka muna……

Tuesday, November 08, 2005

SANA

Wala na kong pera, wala akong bagong cellphone, hindi ako makabili ng i-pod at lalo namang hanggang pangarap ko na lang ata ang magkaroon ng palmtop. Wala pa akong trabaho dahil masyado akong pihikan sa binibigay sa akin. Masyado naman kasing mahirap yung ibang exam na binibigay sa akin ng mga demonyong yun. May mga bagay din na mahalaga sa akin na nawala na din na hindi ko naman alam kung ano ba talaga kuya. Parang bigla na lang ako naiwan na hanggang ngayon pinipilit ko nang tanggapin. Gusto ko na din sanang tumira sa ibang bahay para maranasan kong magsarili pero paano naman kaya yun e palamunin lang naman ako hanggang ngayon. Wala na kong ginawa sa buhay ko kundi ang mangarap ng mas maganda o mas mabuting kung-anuman. Hindi na ako mapakali, hindi na ko makatulog ng maayos (jusko sana makatulog ako mamaya kaagad.) Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko, parang bigla ako nawala sa diwa at lagi na lang ako nananaginip ng gising. Sana nga panaginip na lang lahat ng nangyayari sa akin. Minsan nga naman at minamalas ka tapos bigla na lang pag-gising mo, pasan mo na pala ang mundo. Puro na lang ako sana, sana, sana at hindi na ko natigil sa kaka-sana. Hindi na ko nakuntento sa buhay ko, hindi na ko natuwa sa kung ano ang narating ko. Kung puwede lang sana i-dikta kung ano ang puwedeng kalabasan ng buhay ko, sana matagal ko ‘tong ginawa.

…sana maging masaya na lang ako kung ano ang meron ako. Nagpasalamat na lang sana ako nang nakatapos na ko sa pag-aaral. Sana nagpasalamat na lang ako na may mga kaibigan pa ako at hindi pa ko naghihirap makahanap ng pera pang-gimik kahit wala akong trabaho. Pinasalamatan ko na lang din sana ang mga taong nanakit ng damdamin ko at dahil sa kanila, naging mas lumalim ang pagiisip ko. Utang na loob, sana tantanan na ko ng utak kong pasaway sa kaka-isip na kung ano anong walang kabuluhan. At sana isang araw, matawa na lang ako at sabihin kong, “hay salamat… nakuntento na din ako..”


Monday, October 31, 2005

Never-Never Land

Have you ever wondered of your dream house, dream life or dream boy/girl or, have you ever had standards for everything? Was perfection a noun or an adjective to you for that matter?

When I was a kid, I thought that I can find nirvana, utopia, seventh heaven or whatever you call it. I thought that I can reach that state by playing Barbie dolls and “luto-lutuan.” But everything turned into a deeper theory when I turned 10. That was when I doubted of peter pan and tinkerbell. My level of satisfaction elevates from Barbie dolls to French fries and my la-la land wasn’t that superficial since then. Eventually, my dream started to create perfect people, house and life that I should live when time comes. I had disappointments and that was when I learned to criticize, to discriminate. From then on, my dream-land detached itself from me and distance expanded continuously. Things were never great but fine, people were never excellent but satisfactory. Should I blame my parents or should I blame my stupidity? And this stupidity allowed me to experience frustrations, rejections and failures just to reach “my perfection.”

When I became older, perfection attached to fiction. I realized that there’s no perfect person; house or life that I should look up to. Peter Pan and Tinkerbell were not real! Everything was already made perfect for me. Imperfection needs respect, it creates beauty and beauty satisfies my level of quality. Perfect something will never be possible in the real world. Appreciation comes from within not from anything else or standards, whatsoever. And that concludes…. that I was never been to never-never land…but rather, real world has its own land which I must call, my own hurly burly wonderland.

Saturday, October 15, 2005

Maling Akala

Iilan ang mga kaibigan at kakilala ko na nauna na sa akin makapagtapos ng pag-aaral. Iilan ang nakahanap kaagad ng pagkakakitaan pero mas lamang ang piniling mamahinga muna ng isang buwan, dalawa hanggang sa di na namamalayang matagal-tagal na din pala silang namamahinga. Sabi ko non, pag ako nagtapos… gusto ko magtrabaho agad. Hindi naman siguro ganon kahirap yun di ba? Sabi nila… “welcome to the real world” na daw. Ibig sabihin ba nila hindi makatotohanan ang mundo ko dati? Ang alam ko kasi hindi kathang-isip ang maghirap para makatapos. Ayaw ko talaga magpatalo pero totoo naman hindi ba?

Ngayon…. araw araw na akong balisa dahil hindi ko pa din alam kung kailan ako makakahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa nanay ko dahil inaraw araw ko ang paghingi ng pera. Masyado ata akong pihikan at ang alam ko, nand’yan lang ang oportunidad na naghihintay sa akin. Sabi ko kasi, kung yun talaga… yun nay un! Kahit ilang beses kong tabuyin, lalapit at lalapit lang ulit iyon. Hindi pala... “one is enough two is too much” ika nga. Masyado din ata akong nagpapa-apekto sa mapaghusgang lipunan sa pagpili ng trabaho. Ito na nga ata ang sinasabi nilang totoong mundo. Yung bang, hindi mo alam kung ano ang sagot sa lahat. Yung bang, hindi lahat nadadaan na lang sa ngiti at inom. Yung bang, seryoso na talaga ang kwento ng buhay. E kung ito na nga yun… mas mahirap pala ito sa inaakala ko.

Akala ko kasi madali lang ang buhay……….

Friday, October 07, 2005

May Pagkakaiba

Kunwari may makita kang sobrang gandang babae. Sexy! At ang buhok, ang gandaaa, ang soft, ang dulaaaas.. parang nagpa salon. Pero tatlo lang ang daliri. Anong gagawin mo? E paano kung may lumapit sayo na kagwapuhan naman talaga at lalakeng lalake kung makatindig pero mas mataas at mas matinis pa ang boses sayo. Eto na lang, kunwari nagtapat na ng pagmamahal ang crush mo. Tapos sinabi mong mahal mo na din siya. Sa sobrang tuwa niya, biglang lumobo yung uhog sa ilong niya. Nalaman mong, ganon pala siya pag natutuwa. Inuuhog. O sige, paano na lang kung ang girlfriend mo, gahaman kung tubuan ng buhok sa mukha. Bigote kung bigote, balbas kung balbas sa kapal. Anong gagawin mo?

Kunwari na lang, yung kinaiinisan mong mukha sa klase niyo ay may pinakamagandang boses pala sa eskwela. E paano kung ang lalakeng nawili ka nang tabuyin ay maging isang sikat na modelo sa industruya? Paano na lang kung ang inaapi niyong tao sa grupo ay ang maging isa sa milyonaryo sa bansa? E ang lalampa-lampa na bata sa lugar ninyo nung unang araw ay siyang isa sa mga magagaling na senador sa Pilipinas? Anong gagawin mo?

E kamusta naman ang mga taong tulog mantika ang hilig at ang gahaman uminom pero hindi uso ang mga salitang “lashing na ko tsong…” Kamusta din ang mga taong tinatawag na couch potato sa weekends pero buhay kalabaw sa trabaho pag weekdays?

Laging may pambawi hindi ba? Dahil lahat ng tao sa mundo may pagkakaiba. Walang perpekto ika nga. May mga taong kakaiba o kalabuan sa kinagawian mo. May mga bagay naman na iba sayo pero natural na sa karamihan. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mong matanggap ang kahinaan at kaibahan ng iba sayo. Ngayon, kung pasaway ka hindi mo kaya, respetuhin mo dahil hindi lahat ng tao….

Kagaya mo.

Friday, September 30, 2005

TAMA?

Naiinis ako, lagi na lang itlog ulam ko sa umaga. Ahahahaha tapos hindi pa maayos yung pagkaluto. Ano ba yan! Naiinis din ako kasi hindi ko alam kung GLOBE o SUN ang gagamitin kung simcard nang pangmatagalan. Naiirita din ako sa boses ng katulong namin. Nabibwiset din ako kasi ang bagal bagal ng dial up ko dito sa bahay. Haaaay buhay.. Minsan ang sarap mamroblema, na kahit simpleng bagay lang ay pinagtutuunan ko pa nang pansin para problemahin.

Pero, eto… seryoso.

Namomroblema ako kung paano ko pagkakasya-kasyahin ang pera ko dahil wala na naman akong allowance. Hindi na ko natutuwa sa buhay tambay. Hindi ko na alam kung kailan ako makakahanap ng trabahong para sakin talaga. Iniisip ko palang, napapakunot na ko ng nuo lalo na pag tungkol sa pangmatagalang kabuhayan na ang pinag-uusapan. Dagdagan mo pa ng mga obligasyon na matagal-tagal ko nang nasimulan.

Minsan nga, ang sarap talaga idaan na lang sa inom ang lahat. Tapos may hihirit na, “alam niyo, patagal ng patagal… nagiging seryoso na talaga ang mga problemang dumadating sa atin… na mahihirapan kang lutasin.”

(Oo, tama ka don! Inom pa tayo diyan……..)

E paano pa kaya ang mga problema ng mga magulang natin noh?

Sana, parang mathematical equation na lang lahat ng problema para pag alam mo ang ang formula, alam mo na agad ang sagot. O kaya, sana nadadaan na lang sa ngiti lahat para lahat tayo masaya. Pero hindi e… nakakainis noh? Ahahahaha

Hindi nga talaga patas ang laban ng buhay. Kahit anong gawin mo, may problema’t problema pa din. Sabi nila simple lang daw ang buhay pero pag inisip mo nang pangmatagalan, kumplikado din pala ano? Pero, gaya nga ng sinasabi sa komersyal… BILOG ANG MUNDO! Pagkatapos ng problema, may tagumpay din naman sa huli. Tapos problema ulit. Patay tayo diyan!

Alam niyo, matagal ko nang naisip ito e. Pagbigyan niyo na lang ako. Na… pag walang kasawian, paghihirap o kabiguan.. hindi natin malalasap ang sarap ng tagumpay. Kapag walang problema at lahat nadadaan na lang sa ngiti, hindi kailanman magkakaroon nang pagkakataong magsikap at pagtatiyaga.

Tama?

Sunday, September 18, 2005

aLapaap

Araw ng linggo ngaun, naisip ko... baka sakaling mapagod ang mga tao mamroblema at mamahinga naman kahit saglit. Mamahinga sa napakagulong mundo na nakabalot sa atin. Kahit anong gawin ko, balisa pa din. Hanggang maisipan kong humiga ng ilang minuto. Wow! Ang sarap. Parang gusto ko nang matulog dahil iyon lang naman ang panahong tahimik at walang akong iniisip. Matagal tagal na ata nang maramdaman ko ang ganito. O sabihin na nating, hindi pa din ito ang hinahanap ko. Nakakapraning, baka hanggang sa panaginip ko… ang kaguluhan sa bahay, sa pagibig, sa pamilya, sa pera at kung saan-saan ang makita ko.

Kasabay ng aking pagmumuni-muni, bigla ko nang naisip ilang linggo ko na nga palang nararanasan ang buhay tambay at palamunin. Tapos na ang paghihirap sa eskwela at paghihirap na sa paghahanap ng trabaho ang kailangan kong atupagin. Ang walang kamatayang pag jo-job hunting sa internet at sa lupalop ng metro manila. Iniisip ko nga lang, nakakapagod na. Labo-labo din ang plano ko kung saan ako pupunta o anong gagawin ko kinabukasan o bukas makalawa. At ang allowance? Naku! Wag na nating pag-usapan.

At kung sakaling magkatrabaho kaagad, paano ko kaya sisimulan pagkasya-kasyahin ang pera ko sa pang-araw araw at dagdag na dito ang luho at tulong ko sa bahay. Paano ko naman kaya pagsasabayin ang obligasyon at responsibilidad ko na aking nasimulan? Pwede na kayong magtaka kung saan ko nahuhugot ang mga problemang kinakaharap ko sa kasalukuyan. Uulitin ko…. ang kaguluhan sa bahay, sa pagibig, sa pamilya, sa pera at kung saan-saan . Pero huwag niyo nang isipin. Isipin niyo na lang ang init ng ulo ko. Hindi ko din alam kung saan ako huhugot ng lakas at pag-aasa sa mga bagay na gumugulo sa akin. Pakiramdam ko, nang nagpasabog ang Diyos ng problema, nasalo ko lahat sa araw na ito.

Hindi pa din ata panahon na maranasan ko ang matagal ko nang gustong balikan at maranasan...

Ang alapaap.

Tuesday, September 06, 2005

Teleserye ng Totoong Buhay vs. Balitang Hindi Natutulog

Matagal tagal ko na ding binabale-wala ang national news. Hindi sa wala na akong oras o wala akong pake-alam. Nag-sasawa na lang siguro ako lalo na sa isyung impeachment para kay Gloria. Ang Gaza Withdrawal o ang Hurricane Katrina na lang ang binibigyan ko ng pansin at pinaguubusan ng oras para mabago naman. Minsan, minabuti ko na lang manuod ng tsismis kaysa sa balitang nakakasakit ng ulo. Ayoko na din makipag debate sa mga tao tungkol sa kaguluhan na hinaharap ng ating gobyerno. Natigil na din ang politika kahit sa panaginip ko. Sa wakas…

Nabawasan na ang mga problemang hindi ko dapat problemahin. Mas masarap pala manuod ng lumilipad na babae sa ere na naka bra at panty kaysa sa nagdedebateng grupo sa kamara. Mas masarap pala abangan ang kubang maraming manliligaw kaysa sa mga kongresmang nagbabatuhan ng mga papel. Di hamak naman na mas kapapana-panabik subaybayan ang mga housemates sa teleserye ng totoong buhay kaysa sa balitang hindi natutulog. Sa madaing salita, masaya pa lang magmaang-mangan na lamang sa mga pangyayari sa politika at manuod na lang ng mga walang kawenta-kwentang palabas.

Wala na akong pake-alam sa kanila. Bahala na sila kung mag-away away sila diyan araw araw. Basta ako, ayoko na pag-usapan ang politika. Mas importante na sa akin kung sino ang matatanggal kina Rico, Raqcuel at Franzen kaysa kung magtatagal pa ba si Gloria sa kapangyarihan.

Pero teka.. bakit nga ba naging pangunahing nang trabaho ng oposisyon simula ng panahon ni Erap ay ang pabagsakin ang pangulo?

Friday, September 02, 2005

"Pengeng Barya"

Ako ay isang estudyante ng isang eskwelahan sa Taft Avenue, Manila. Mausok, mapolusyon, maingay, madaming snatcher, madaming bagets, at syempre… hindi pwedeng mawala ang mga pulubi at taong grasa. Kung mabibilang lang ang mga batang pulubi na pumapalibot sa Taft Avenue, hindi na siguro ako magugulat kung sandamakmak ang resulta ng bilangan. Marami sila… seryoso.

Hindi din ligtas sa pagsasamantala ng mga malilibog na pasaway ang mga babaeng palaboy doon. Nakaka-awa sila, magugulat ka na lang na ang babaeng payat na namamalimos sa iyo ara-araw ay lobo na ang tyan kinabukasan. Buntis pala, na-rape ng lasenggero sa may kanto. Hindi rin maitatago ang pagkalulon sa pagsinghot ng rugby. Ano pa nga ba ang solusyon sa mahaba-habang tag-gutom? Rugby lang, mura pa at binebenta lang kung saan-saan. Masyadong “kasual-an” ang buhay ng mga batang palaboy/pulubi sa Taft. Kung baguhan ka lang sa lugar na iyon, sigurado akong malaking gulat ang mararanasan mo. Minsan nga, hinabol pa ng isang bata na may dalang dos-por-dos ang kaibigan ko. Ang dahilan? Ayaw kasi bigyan ng barya ang bata kaya ayun… NAG-AMOK! Uso din naman ang sindikato doon. Sabi ng iba, isang van daw ang nagdadala sa Taft ng mga batang pulubi. Hindi ko pa naman nasasaksihan pero wala din naman akong magagawa. Kung sino man ang magulang ng mga batang iyon, siya na lang sana ang namamalimos buong araw.

Patagal ng patagal, padami pa din ng padami ang mga batang pulubi saTaft. Matatawa ka na nga minsan sa estilo ng mga batang namamalimos. May isang beses, mag-isa akong nakatayo sa Chowking at may lumapit sa akin. Kumanta, kumanta.. sa hinaba-haba ng kanta niya.. isa lang naman ang pakay niya sa akin. Ag baryang ibibigay ko. Pasensya na pero hindi ako namimigay ng barya.

At pagtapos ng tatlong taon na pamamalagi sa Taft Avenue. Hindi ko na makikita ang batang kumakanta, ang batang kabarkada ng mga dragon sa Chowking, ang batang may dos-por-dos, ang batang nakatambay sa ilalim ng LRT. Ang batang may anak ding bata. At si Jenny (matandang-baby face).

Pero, kahit saan naman ako mamalagi… hindi pa din naman mawawala sa aking paningin ang mga batang nabubuhay sa barya ng lipunan.

Ang batang… namamalimos para sa buhay ng kanilang magulang.

Ang batang… barya ang kinabukasan.

Life Begins @ Forty

At this age, I always remind myself to keep my feet on the ground and never forget where I came from. I once read, “By not forgetting where ...