Saturday, June 21, 2008

Reaction: New Philippines law gives half a million people income tax relief

New Philippines law gives half a million people income tax relief

Philippines President Gloria Arroyo on Tuesday signed a law exempting more than half a million Filipinos from paying income tax, as part of efforts to help the poor weather rising food and energy prices.

"This is part of our immediate and temporary help to Filipino families squeezed by the global surge in oil and rice prices," AFP quoted Arroyo as saying in a speech after signing the bill into law.

Finance Secretary Margarito Teves told reporters the move -- raising the minimum taxable income of people in the lower-earning bracket -- would mean the government is giving up about 14 billion pesos ($315 million).

Replacing the lost revenues is "not going to be easy so we just have to work very hard on it and we have to convince our individual taxpayers and corporations to assist us," Teves said.

Oil-dependent Philippines, which is also one of the world's largest rice importers, has cut its economic growth projections for the next three years and postponed its 2008 target to balance its budget by three years due to the adverse international economic environment.

-------------------------------------------------------------------------------------

Nabalitaan ko na “proposed bill” ang pag lilibre ng TAX sa mga taong kumikita ng minimum wage sa ating bansa. Hindi ko agad nagustuhan ang balitang ito pero hindi ko na ito pinag aksayahan ng panahon. Ngayon, balitang-balita na sa internet na isa na itong “signed law”. Ang galing-galing mo talaga Gloria! Ang bait mo sa mahihirap.. bakit hindi ka nagiisip?!?!?!

“I have nothing against the less fortunate people” (paano ba sabihin yun sa tagalog?), pero ako ay matindihang HINDI sumasang-ayon sa batas na ito.

Unang-una sa lahat, sobrang bigat ng epekto ng income tax sa ating mga Pilipino lalo na sa mga hindi masyado magara ang kabuhayan. Pero wala kang magagawa kasi kailangan mong magbayad ng tax gaya ng iba. Mataas man ang sinusweldo mo o gapiranggot, kailangan mo pa ring sundin ang patakaran (si Judy-Ann Santos nga, hindi nakaligtas..). Sa madaling salita, lahat ng nagtatrabaho.. MAGBABAYAD! Bakit biglang may hindi na magbabayad?

Ang mga mahilig mag welga, ang mga mahihilig mag reklamo, ang mga madalas nakikitang nagmamaka-awa sa telebisyon, ang madalas sumisira ng overpass, ang nagvavandal sa kalye, ang mga madalas magiimbak ng basura sa ilog, ang mga nagbabaklas ng bakod na gawa sa yero, ang mga atat na atat pababain si Gloria sa pagkapangulo, ang mga nakikigamit ng kuryente “jumper”, sila, sila ang mga malilibre sa income tax.

Hindi ko sila minamata, pero hindi ko rin sila kinakaawaan. Dahil kung awa lang ang sagot sa kahirapan, edi sana nag basurero na lang ako.

Replacing the lost revenues is "not going to be easy so we just have to work very hard on it and we have to convince our individual taxpayers and corporations to assist us," Teves said. – Sige, goodluck!

Ang kabilang sa “middle class society”, ang mga empleyado ng kumpanya, sila… tayo, ang madalas natatamaan ng lahat ng pagbabago ng ekonomiya. Bakit? Dahil tumaas man o bumaba ang pera ng bansa, ang “middle class” ay kailangan pa din magbayad ng pamasahe, ng gas, ng tuition fee, ng grocery, ng kuryente, ng tubig, ng telepono, ng tirahan at ng INCOME TAX. Dahil, walang karapatan ang mga hindi kasama sa poverty line na ILIBRE SA KUNG ANUMANG GASTUSIN.

Hindi pagmamalupit ng tadhana ang katayuan sa buhay ng isang tao. Pinipili ng tao ang kanyang kinabukasan, ang kanyang uri ng kabuhayan. Walang swerte, walang malas. Lahat ng bagay na nangyayari, lahat ng iyon ay epekto ng mga nagawa mo. Walang aksidente, walang chamba.. dahil lahat ng napala mo, ay dahil din sa iyo!

PASENSYA na sa mga hindi sumasang-ayon, gusto ko lang sanang malabas ang saloobin ko. Hindi ako mata-pobre dahil hindi ako mayaman. Hindi pantay-pantay ang katayuan natin sa buhay, oo alam ko, pero sana man lang magpatupad SILA ng batas na makatarungan.

“Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman” ang sabi ni Bamboo sa kanta nilang TATSULOK. Ngayon, sabihin mong para lang sa mayaman ang hustisya?! Hindi rin.

Para ito sa mayaman at mahirap. Ang nasa gitna ang wala….

Wednesday, June 04, 2008

Bibo Day

Papasok pa lang ako sa school kanina, iniisip ko na kung paano ako lalabas ng klasrum para tumakas at hindi tapusin ang class. Dahil panigurado, wala na naman akong gana pumasok dahil puro henyo na naman ang nakapaligid sakin at pakiramdam ko, ako na ang pinaka bobo sa lahat. Dahil sa buhay estudyante ko sa Masters, kung hindi apat ang mata ng kaklase ko, senior citizen naman ang karamihan. Tapos samahan mo pa ng professor na pag-aaral ang buhay, kinakain, iniinom at hinihinga niya. Sa makatuwid, ako lang ang “cool” sa klase ahahahaha!

Sa elevator pa lang ng Yuchengco ini-imagine ko na ang itsura ng professor at mga kaklase ko. Ambilis ng elevator, ayan na 5th floor na… Sumilip muna ako sa pintuan at nakita kong madami akong kaklase. Mabuting pangitain yun para sakin dahil mas madali makatas dahil hindi ako mapapansin ng professor sa dami ng kanyang estudyante. Nandun na din ang titser namin, at nagsimula na siyang dumakdak bago pa ako dumating. Oo na, late na naman ako!! ano namang bago don?

Inubos ng titser namin ang 1 oras sa pag didiscuss ng syllabus at kung pano ang palakaran ng graduate school sa La Salle. Aba, mukhang tamad si Miss dahil hindi pa siya nagsisimulang mag lecture. Hanggang sa may humirit sa klase tungkol sa isang topic namin sa syllabus.. Ito na ata ang hudyat na kailangan na naming mag-lecture. Unang tanong ng titser, ano ang pagkakaiba ng “development” at “change”.. Nasapian ata ako ng kung sinong espiritu at bigla kong tinaas ang kamay ko. Sinagot ko ang tanong niya, at nagulat ako sa kabibuhan ko. Lumipas ang pangalawa, pangatlo, pang-apat at marami pang tanong ni Miss at hindi ko alam kung bakit ako sumasagot sa kanya. “Bibo day” ko ba ngayon at panay ako sa pag taas ng kamay? Ahahahaha!

Tumagal ng 2 oras ang lecture na hindi pa nagbibigay ng break ang professor namin. Nagsimula nang sumama ang mukha ko dahil pati ako hindi ko napansin ang oras. Buti na lang, naisipan ng titser na agahan na lang ang tapos ng klase dahil napagod daw siya sa kadadakdak. At para sa akin, korny man pero natuwa ako sa sarili ko ngayong gabi dahil nakuha kong magpaka bibo sa klase. Para sa hindi nakaka alam, huling term ko na ito sa academics at ngayon ko lang naipamahagi ang talento ko sa pagkabibo. Sana hindi pa huli ang lahat at malay mo, mawili ako sa ganito…..

Baka di ko pa tapusin ang term na ito.

JOKE.

Monday, June 02, 2008

Robin Thicke ft. Vanessa Marquez

Perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

you make my waking up everyday that much brighter
knowing that im next to you
i'm so drawn to you
it's in your eyes
it's in your sweet face
just being in the same space
i couldn't ask for more
tu eres el amor
that may be the only one to make my life complete

perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

Baby your the perfect shape
Baby your the perfect weight
Treat me like my birthday
I want it this way
I want it that way
I want it
Tell me you don't want to stop
Tell me it would break your heart
But you love me and all my dirty
You wanna roll with me
You wanna to hold with me
You want to make fries and get norwegian world with me
I just love to hear you say it
It make a man feel good baby

I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby
I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby

Cause you will tell me every morning

oooh alright baby ahhh yea
aww baby aww darling alright ma

I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby
I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby

Sunday, May 25, 2008

Lakbayan


My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Thursday, March 27, 2008

wasap KINABUKASAN?!

Tumatakbo at lumilipas na ang oras, edad at panahon sa buhay ko at unti-unti ko na ding nararamdaman ang lahat ng epekto nito sa akin. Mag tatatlong taon na akong nagtatrabaho simula nang pagtapos ko ng kolehiyo. Mag tatatlong taon na din ako sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Marami akong napagdaanan, nakilala at natutunan sa dalawa kong magkaibang trabaho dito. Hindi rin mapapantayan sa kasalukuyan ang mga kakaiba kong karanasan doon. Magulo, mahirap, nakakatamad pero masaya.

Madami ang mga empleyado na talaga namang napamahal na sa kumpanya kaya naman minabuti nilang manatili ng matagal doon. Mga loyalista ang tawag sa kanila. Madami ding mga ahente na kahit naghihikahos na sa pagbebenta ng lupa, wala pa rin silang balak iwanan ang ganitong trabaho. Kaya naman, isa ako sa mga taong natali na rin sa kumpanya, dito ako masaya, at dito ako komportable, bakit pa ako aalis diba?

Sa tatlong taon ko, hindi ko rin namang maiwasang magisip-isip sa araw-araw kong ginagawa, pinupuntahan at nakakasama. Wala na bang bago diyan? Ganito na lang ba ako habang buhay, ang maging kumportable? Nung isang araw, hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari sa akin sa opisina. Hindi ako natuwa, hindi rin ako natawa. Wala akong magawa kundi tanggapin at sumunod sa mga bagay na hindi ko naman sinasang ayunan. Parang nakaka bobo lang lagi dahil wala din naman akong mapaglaban sa kung anuman ang gusto kong ipaglaban. Wala din akong maipagmalaki dahil wala rin naman akong dapat ipagmalaki. Bad trip……

Ginapang ko ang sarili ko sa pag-aaral para matupad ang pangarap ko. Hindi basta-basta ang mga sinubukan kong gawin para lang makadagdag sa aking kaalaman. Pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga pinag aralan ang ganitong trabaho, at lalong hindi ito ang trabahong nararapat sa akin. Walang kasiguraduhan, hindi ito stable at wala rin daw akong patutunguhan ika nga ng mga taong kala mo kung sinong magaling! Sa madaling salita… mahirap. Pero para sa akin, di hamak na mas mahirap umalis sa lugar o trabaho na iyong nakasanayan. Hindi madali magpaalam sa mga taong anim na araw sa isang linggo mong nakakasama at nakakasalamuha. Ang mga taong pinalit mo na sa pamilya, sa barkada, sa asawa, sa boyfriend/girlfriend mo. Iniisip ko pa lang nalulungkot na ako. Pero minsan kailangan ko din yata talaga tumahak ng ibang landas para din ito sa ikabubuti ko. Hindi pwede na lagi na lang masaya at kumportable. Ganon talaga e diba?

Bakit kasi kailangan ko ‘tong maramdaman e. Dati, wala akong ka amor-amor sa mga tao doon. Wala akong pakealam sa buhay nila at kung ano mang klaseng tao sila. Hindi ko rin binibigyan halaga sa kung anuman ang pwede nilang magawa sa buhay ko. Pero ngayon…. Sila na ang mga taong gusto ko laging makasama. Dati, sabi ko sa sarili ko, hindi ko papasukin ang buhay ahente… pero ngayon, mag-iisang taon na ako sa ganitong trabaho. Nagiba lang lahat ng pananaw ko e. Kinain ko lang lahat ng pinagsasasabi ko noon.

Ngayon, hirap na hirap tuloy akong ipasok sa kukote ko ang realidad na kailangan kong gumalaw at magisip para sa kinabukasan ko. Hindi madali ang ganitong sitwasyon dahil padagdag ng padagdag ang edad ko, padagdag din ng padagdag ang mga bagay na gumugulo sa utak ko. Kung dati, group project sa science lang ang pinoproblema ko, ngayon mga bagay na sa totoong buhay ang bumubulabog sa akin. Haaaay… ewan ko na!

Basta, kung anuman ang nararapat sa akin… sana lang hindi ko ito makaligtaan. Magkaroon na sana ako ng lakas ng loob para makipagsapalaran. Dahil wala na naman akong dapat gawin kundi ang hanapin ang tunay kong paglalagyan……….

Thursday, January 24, 2008

Pana-panahon

Panahon, panahon ang tawag sa iba’t-ibang punto na napagdadaanan nating lahat. Panahon ang binbigay sa atin ng Diyos na kailangan nating namnamin dahil ito ang nagbibigay kulay sa buhay natin. Panahon, na hindi kailangang madaliin dahil hindi ito natutulak basta-basta. Panahon, oras, na ika nga ng iba, kung oras mo na… oras mo na. Kung balak mong planuhin ang buhay mo, hindi mo naitatanong, matagal nang naka plano ito sa mahiwagang libro.

Para sa mga taong mahilig magmadali sa buhay, huwag mo mashado takbuhin ang storya ng buhay dahil kailangan mo minsang maniwala sa salitang “pana-panahon.”

Marami akong kaibigan na mahilig makipag talastasan sa takbo ng kanilang buhay. Maraming mahilig magmadali, may mga hindi mapakali sa kanilang katayuan at may mga iba namang unti-unti nang nakukuntento sa kung anong meron sila.

Hindi ko sinabing dapat kang magbagal, pero hindi ko din sinabing kailangan kang magmadali. Bakit…. May lakad ka ba? (ahahahahaha!)

Para sa mga nagmamadali, hindi naiiwasan na minsan ay nagsisimula ka nang malungkot dahil anong petsa na, hindi mo pa nararating ang punto na matagal mo nang pinapangarap. Hinay-hinay lang kapatid dahil kahit anong gawin mo, tumambling ka man, hindi ito mapapasaiyo dahil hindi pa ito panahon.

Kung mapapansin mo, may punto sa buhay mo na hindi mo nagugustuhan dahil ito ang panahon na kailangan mong maguluhan para mahanap mo sa bandang huli ang mga kasagutan sa iyong mga katanungan. May panahon na inis na inis ka na dahil walang magandang nangyayari sa iyo. Walang nangyayari, ambagal ng lahat bakit ganon? Na kung tutuusin, hindi naman talaga mabagal, kundi, hindi pa talaga oras para ikaw ay umasenso. Nagsisimula ka nang ikumpara ang sarili mo sa iba dahil p*tang*na! ang yayaman na nilang lahat, may mga pamilya na sila o di kaya’y maganda na ang takbo ng buhay nila pero ikaw HINDI PA RIN! Relaks ka lang kapatid dahil dadating ang panahon na nasaiyo naman ang ilaw ng tadhana. “It’s your time to shine” ika nga.

May iba nga diyan, antanda-tanda na pero hindi pa din nakukuntento sa kanilang katayuan. May iba naman na ang bata-bata pa pero kala mo naman wala nang bukas dahil saksakan na siya ng yabang sa kung ano mang pwede niyang ipag yabang.

Kung ano man yan, kailangan mo lang talagang intindihin ang lahat ng nangyayari sa iyo. Hindi porket umuunlad na si Pedro e kailangan na ding umunlad si Juan. Hindi kailangan ng inggit. Basta nagagawa lang ng tama ang lahat, dadating din ang panahon ng iyong kasikatan.

*apir!*

Monday, January 21, 2008

being Twenty something......

They call it the "Quarter-life Crisis."
It is when you
stop going along with the crowd and
start realizing
that there are many things about
yourself that you
didn't know and may not like.

You start feeling insecure and wonder
where you will
be in a year or two, but then get
scared because you
barely know where you are now. You
start realizing
that people are selfish and that,
maybe, those
friends that you thought you were so
close to aren't
exactly the greatest people you have
ever met, and the
people you have lost touch with are
some of the most
important ones.

What you don't recognize is that they
are realizing
that too, and aren't really cold,
catty, mean or
insincere, but that they are as
confused as you. You
look at your job... and it is not even
close to what
you thought you would be doing, or
maybe you are
looking for a job and realizing that
you are going to
have to start at the bottom and that
scares you.

Your opinions have gotten stronger. You
see what
others are doing and find yourself
judging more than
usual because suddenly you realize that
you have
certain boundaries in your life and are
constantly
adding things to your list of what is
acceptable and
what isn't. One minute, you are
insecure and then the
next, secure. You laugh and cry with
the greatest
force of your life. You feel alone and
scared and
confused.

Suddenly, change is the enemy and you
try and cling on
to the past with dear life, but soon
realize that the
past is drifting further and further
away, and there
is nothing to do but stay where you are
or move
forward.

You get your heart broken and wonder
how someone you
loved could do such damage to you. Or
you lie in bed
and wonder why you can't meet anyone
decent enough
that you want to get to know better. Or
maybe you love
someone but love someone else too and
cannot figure
out why you are doing this because you
know that you
aren't a bad person.

One night stands and random hook ups
start to look
cheap. Getting wasted and acting like
an idiot starts
to look pathetic. You go through the
same emotions and
questions over and over, and talk with
your friends
about the same topics because you
cannot seem to make
a decision.

You worry about loans, money, the
future and making a
life for yourself... and while winning
the race would
be great, right now you'd just like to
be a contender!

What you may not realize is that
everyone reading this
relates to it. We are in our best of
times and our
worst of times, trying as hard as we
can to figure
this whole thing out.

Wednesday, October 17, 2007

buhay ahente


Isang linggo kami nanatili sa Lipa, Batangas para mag saturate, mag ambush presentation at magdala ng kliyente sa event. Isang linggo ko din nakasama ang mga ahenteng kalabaw sa industriya. Ang mga ahenteng, walang humpay sa paguubos ng laway at lakas, makabenta lang.

Napadaan ako sa isang ospital sa Lipa at hindi ko naiwasang kuhanan ng litrato ang mga MEDREP na nag-aabang sa mga doktor. Nag-aabang na pwedeng matisod, nag-aabang, kaparehas namin. Swerte ka na kung makakuha ka ng mabebentahan sa loob ng isang oras. Swerte ka na kung kausapin ka ng sekretarya man lang ng doktor para alamin ang produkto/proyektong inaalok mo. Para sa mga walang ideya sa kung anong buhay ang meron ng mga ahente... HINDI ito madali.


Ahente = nagbebenta


Sabi ko noon, hinding-hindi ko papasukin ang mundo ng SALES. Pero nawala din ang sinabi ko noon. Ngayon, limang buwan na akong ahente. Mahirap, pero masaya. Maraming pera pag nakabenta, maraming makikilalang tao, maraming.... mabebentahan. Hindi stable ang pera dito pero hindi kikitain ng karaniwang empleyado ang isang bagsakang kinokomisyon ng ahente sa aming kumpanya. Maaari kang maging “one day millionare” pag sinuwerte na hindi mo na kailangang mamuhunan sa lotto at mag-abang ng winning numbers. Laway lang ang puhunan at may tumatagingting ka nang salapi na hindi mo alam kung saan mo ito itatago.

Maliit siguro ang tingin ng ibang tao sa mga ahente pero hindi biro ang trabaho kung tutuusin. Nagbebenta ng lupa, condo, insurance, gamot, kotse, produkto at iba pa. Nagbabahay-bahay "knock on your door" ika nga ng komersyal ng Electrolux noon. Naglalakad sa initan, naghihintay sa labas ng kwarto ng mga doktor sa ospital, nag-aabang ng mga makakasalubong na mayayaman. Nangingilala ng pwedeng bentahan sa lugar ng maraming tao. Nakikipag-usap, nakikipag-biruan, nakikipag..bolahan. Mahirap? MAHIRAP.


Hindi ko ikakaila na minsan kong ikinahiya ang ganitong trabaho. “Ahente ka ng alin?” Lalo na kapag ang kausap mo e walang kasing HAMBOG kung ipagyabang ang trabaho na kala mo sila na ang pinakamataas na posisyon sa buong mundo. Minsan kong naitatapon ang mga papel na pinamimigay ng mga ahente sa akin noon. Pero ngayon, yon na yon ang ginagawa ko. Kaya naman, hindi ko na tinatapon ang mga papel na inaabot sa akin sa main entrance ng mall… tinutupi ko na lang. haha!

Wala akong ideya kung gaano ako katagal sa ganitong trabaho. Lalong wala akong ideya kung ano ang hahantungan ng trabaho kong ito. Pero isa lang ang aking naramdaman at patuloy na, nararamdaman ngayon. Para sa mga nag-aabang ng mga mayayaman, para sa mga kumakatok sa bahay-bahay, para sa mga napapaos na sa kaka present, para sa mga nagkakasakit na sa pagod, para sa mga nangingitim na dahil sa paglalakad sa arawan, para sa mga nakikipaghabulan sa mga masusungit na mayaman, para sa mga binababaan ng telepono, para sa mga inuumaga sa kalsada, para sa mga AHENTE na katulad ko…

… nakakabilib kayo, at unti-unti na rin akong bumibilib sa sarili ko.

“WORK HARD, PARTY HARDER” – motto ng team ko sa Landco. Hehe!

Friday, April 20, 2007

Halalan '07


Eleksyon na naman, at syempre, di maiiwasan ang mga iringan, parinigan at sabi-sabi ng mga tao sa tabi-tabi. Nandyan ang dalawang matitinding kampo ng mga tatakbo sa halalan, ang team unity at ang oposisyon. Nandyan din ang mga taong ginagamit ang lahat ng paraan para lalong sumikat sa telebisyon. Ang mga taong sa pinilakang tabig nakikita ngunit nagpupumilit din makisabay sa takbo ng pulitika. At ang mga taong di lang pang pamilya kundi pang isports pa ang pagpupumilit sa pangampanya.

Talaga nga namang ang media pa rin ang pinaka malakas na paraan para isigaw sa buong mundo ang kanilang pangangampanya at bangayan. Ang sinasabing “libelo” ng team unity laban sa oposisyon dahil nga naman sa pinalabas nilang kampanya sa telebisyon na pinakita ang mukha ng pangulo sabay ng pag babanggit ng mga negatibong kalagayan ng ating bansa. Ang survey at ang command voters na pinanghahawakan ng dalawang magkaibang kampo, at ang sinasabing “pag singil sa utang-na-loob” ng team unity sa local governments.

HALA ayun na!! singilan na ng utang-na-loob ang labanan..

Sabi na nga ba, lalabas din ang ganitong hirit e. Sabagay, “utang” nga naman ito at kailangan din pagbayaran. Ahahaha! Pati ang pag endorse ni Roces kay Christopher de Leon sa bise gobernador, sigurado akong utang-na-loob din ang kinalabasan ng lahat ng iyon.

Hello?! Sinong linoko niyo diba? Alam ko na yan.. pag panahon ng eleksyon, lahat ng bagay may kapalit, lahat ng bagay may kahulugan. Ultimo ang aksidenteng nangyari kay Chavit binigyan din ng kahulugan ng ibang tao. Sabi ng iba, drama lang daw yon ni Chavit para kaawaan siya ng mga tao. Basta ako, kahit pakain pa siya sa tigre di ko siya iboboto!!

At onga pala, pati ang Party List na hindi naman nagiging matunog sa panahon ng halalan ay binibigyan na din ng isyu. Sabi daw kasi ng COMELEC, di daw muna ipapakita sa publiko ang mga nominees na Party List. Naku ha!! ano na namang pakulo yan? Bakit kelan pa ba naging mahalaga ang Party List dito sa Pilipinas? Ni hindi nga alam ng nakararami kung ano ang halaga at ang kwenta ng Party List dito sa atin e. May Party List man o wala, hindi din ito mamamalayan ng mga tao dahil hindi sila ang bida!

Ganun pa man, hindi pa rin natin maikakaila na nagiiba na ang pagiisip ng mga botante dito sa Pilipinas. May mga kaibigan akong naka rehistro pero wala pa rin namang balak bumoto. May iba naming walang pakealam kung tumanda na silang di nakakaboto dahil sa dahilang wala naman epekto sakanila ang kalabasan ng eleksyon. Pero meron pa ring wala lang, manalo man o matalo, sige lang… at AKO YON!

Wednesday, March 14, 2007

Mcfriends

Reporting ko kagabi sa isa kong klase sa school. Tungkol ito sa mga kotse, kung ano ang naging epekto nito sa kapaligiran, sa kalikasan at sa mga tao. Sabi sa nabasa ko, simula nang naimbento ang kotse, napansin ng mga tao na isa na itong“major necessity” sa kanila, sa atin. At sa paglipas ng panahon, naging “dependent” na ang mga tao sa kotse at ang dating “major necessity” ay nagiging “major luxury.” Hindi na daw kayang mabuhay ng iba nang walang kotse. Isa itong bagay na pwede ko nang tawaging… nakamamatay.

Para na rin itong Mcdonalds na simula nang naimbento at naitayo, nasama na ito sa pang araw-araw na pagkain ng mga tao. Mcnuggets, mchicken, mcburger, mcfries… Mculam!

Ikaw, ano ang pang araw-araw mong kahit ano?

Mcelphone? Mcoffee? Mcbeer? Mcyosi?

Para sa akin, bukod pa sa material at mabababaw na bagay na IKAMAMATAY ko kung wala nito, hindi ko ata kayang walang taong makausap, makasama, maka chat o maka text sa isang araw. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ako nito. Ako ata ang tipong tao na makaibigan kaysa sa makapamilya. Masama ba yon?

Tinanong nga ako ng isa kong katrabaho kung ano ang magpapasaya sa akin, lasing ako non, kaya wala ng isip-isip! Isa lang ang sagot ko, sabi ko, KAIBIGAN ang pang patay-lungkot ko sa buhay ko. Ayos!

Kaya naman kung tatanungin ko ang sarili ko kung “ano ang pang araw-araw kong kahit ano?” Ang aking “major necessity,” ang ikamamatay ko pag wala nito: ang aking Mcfriends. =)

Thursday, December 21, 2006

BAHALA KA NA


Nagsisimba ka ba madalas o mahilig ka bang magbasa ng mga libro tungkol sa Diyos? Nag ba bible study ka ba o sumasama sa mga samahang maka Diyos? Yung tipong mahilig sa praise songs at prayer meetings? Ako hindi.

Kasali ako sa isang organisasyon na nagpapatakbo ng retreat. Oo, tungkol sa Diyos ang pakay namin pero hindi ako katulad ng iba. Pero mawiwirduhan ka ba sa akin kung sabihin ko sayong mahilig ako magdasal? Yung tipong naliligo o umiihi na lang, nagsasalita pa ako mag-isa at nakikipagusap sa Kanya. Ewan ko kung ano ang tawag mo sa ganon, pero para sa akin, pagdadasal ang tawag ko sa don.

At kung sakaling matanong mo kung ano ang madalas kong sinasabi sa dasal ko.. Yun yung, “BAHALA KA NA SA AKIN LORD! etc etc etc..”

Pag-aalay ba ang tawag sa ganon, pero ako kasi, hinayaan ko na Siya ng tuluyan na gumalaw sa takbo ng buhay ko. Na putangina, (teka, busina lang muna..) kahit masaktan pa ako, madapa, umiyak, humagulgol, maglupasay o kung anuman yan.. Sa bandang huli, ok na lang sakin yun dahil alam kong kasama yun sa takbo at pinlano Niya para sa akin. Alam ko, at solid tibay ng paninindigan kong hinding-hindi Niya ako pababayaan kahit ano pang mangyari sa akin. Na kung mamatay man ako ngayon pagkatapos nito, alam kong naka plano na yun sa itinerary ng life story ko.

Hindi ako takot mamatay. Basta wag lang aksidente ang dahilan kasi pangit ako pag nangyari yon. Kung tatanungin mo ako kung ano ang sasabihin ko sa Diyos pag malapit na akong mamatay.. sasabihin ko lang ay: “OK LORD, tara!”

Hindi din ako nangungumpisal sa pari dahil alam kong nakakaabot naman sa kanya ang lahat ng paghihingi ko ng tawad sa lahat ng nagawa kong katarantaduhan. Gusto kong magmayabang pero alam kong malakas ako sa Kanya. Di man Niya binibigay ang lahat ng gusto ko, ok lang yun dahil better luck next time na lang. Ahahahahaha!!

Hanggang kaya kong maalala, nagpapasalamat din ako sa lahat ng binigay Niya sa akin. Ang lahat ng kasiyahan at kalungkutan na naranasan at nararanasan ko ngayon. May mga bagay na MALAMANG hindi mo kaya sang-ayunan pero sigurado akong sasang-ayon ka sa paniniwala ko sa Kanya.

Sa punto ko ngayon, napansin kong napapaliko ako sa trace ng riles ng buhay ko. Nawawala ako sa pokus ika nga. Nawiwindang, “kumagulo” sabi nga ni Soleil. Pero di pa din ako napapagod kausapin Siya kahit alam kong minsan nawiwirduhan sakin ang nakakatabi ko sa bus. Kung anuman yung tumatakbo sa utak ko ngayon, alam kong alam na Niya yun at eto lang.. BAHALA NA ULIT SIYA SA AKIN.

Sa susunod na araw, sa susunod na kabanata ng buhay ko, wala pa rin sanang humpay ang pagsasalita ko mag-isa kahit nasa tricyle ako. Nais ko sanang kausapin Siya kahit hindi ko pa mashado marinig ang lahat ng sagot Niya.

AMEN.

Sunday, December 10, 2006

"eto na yun!"



Ikaw ba ay kabilang sa mga taong naghihintay, nagaabang at naiinip paminsan-minsan? Yung tipong antagal mo na sa kolehiyo dahil kasama sa hobbies mo sa friendster ang magtagal sa kolehiyo. Yung tipong sobrang tinatamad at wala ka nang gana sa trabaho at hinihintay mo na lang na may bagong trabaho na dumating para sayo. Yung tipong sobrang ilang dekada ka nang walang ginagawa sa buhay mo kundi magpaka-tambay at naghihintay ka na lang na may bumagsak bigla na trabaho galing sa puno ng buko. Yung tipong antagal mo nang walang buhay pag-ibig at pakiramdam mo wala ka talaga sa listahan ni Santa na magkakaron ng boyfriend bago magtapos ang taon.

Tapos, sa haba-haba ng prosisyon, dun din pala ang punta mo, sa matagal mo nang hinihintay. Reality check ika nga ng butihin kong kaibigan, na dinugtungan ko na lang din ng sabihin kong.. totoo nga! Eto na yun.

Eto na yun! May bago nang trabaho na nagaabang para sa akin. Eto na yun! Magmamartsa na din ako sa PICC. Eto na yun! Makakapag-suot na din ako ng polo dahil magkakatrabaho na ko. Eto na yun! Magkaka boyfriend na ulit ako. Totoo nga! Eto na yun.

Pwede na nating sabihing, oo nga’t nag-aabang ako ng panahon na dadating ako sa estado na kung saan, masasabi ko sa sarili ko na “des es da moment” ni Erik Santos. Nung isang araw, nag reality check ako at nasabi ko sa sarili ko na eto na yung panahon na yun. Eto na yung panahon na kailangan kong humakbang sa isa pang level dahil tapos na at hindi na ako kailangan maghintay pa. At ang naramdaman ko? Pumitik ako.

Di ko napigilan dahil pucha! tao lang naman ako diba? Wala akong dapat pagsisihan sa akung anuman ang nagawa ko at kung anuman ang naging epekto sakin nito, wala din akong dapat ipaghinayang.

Sa mga dadating pang kabanata ng buhay ko na kung saan e, mararamdaman ko at bubulaga sakin ulit ang mga katagang “eto na yun”, nais ko sanang mapigilan kung ano man ang magawa ko sa mga minutong iyon. Hangad ko sana na matanggap ko na lang ng buong-buo kung anuman ang ibato sa akin ng tadhana ng buhay ko. Para naman hindi na ako mamroblema sa magiging epekto ng lahat ng ito. Sa dadating na magagandang bagay na naka plano na para sa akin, nais ko sanang matanggap na ang mga iyon ASAP para di na ako maghintay at mainip pa.

At para sayo, na naghihintay o nakaranas na ng “eto na yun!” moment, sana matanggap mo ng buong-buo ang lahat nang yon. At para sayo din ang aking huling paalala…

good luck.

Monday, November 13, 2006

Santa Claus sa Homeboy


42 days na lang at selebrasyon na, handaan, pasko na naman. Ambilis nang magdilim ngayon at lumalamig na ang simoy ng hangin pag gabi. Wala pa namang nangangaroling sa labas ng bahay pero may nakikita na akong mga Christmas lights na nakasabit sa labas ng bahay. May dambuhalang Christmas tree na nga pala sa town center, na para sa akin, hindi ito nakakatuwa pagmasdan. Nung bata pa lang ako, simpleng Barbie doll lang ang hinihingi ko masaya na ko. Pwede na rin ang luto-lutuan para kumpleto na ang pagdidiwang. Pero ngayon, hindi na ganon ka babaw ang hangad ko sa kapaskuhan. Iba na.

Kung talagang totoo si Santa Claus at, sana mainterview siya sa Homeboy o Sharon at itanong sakanya kung regalong pambata lang ba ang kaya niyang ibigay. O kung pati ba regalong pang matatanda pwede niyang i-itsa sa labas ng bahay niyo sa pasko. Sana din magbigay ng pabahay showcase o kumikitang pangkabuhayan si Santa Claus para di lang mga bata ang tatangkilik sa kanya. Baka pati si Boy Abunda yakapin siya sa tuwa.

Kakayanin kaya ng powers ni Santa ang magbigay ng boyfriend/girlfriend sa mga taong walang love life? Sana pwede.

O baka naman, kaya nga niya magbigay ng mga ganong kabigat na kahilingan pero sa isang kondisyon… Ikaw ang kukuha sa bahay niya. Minsan wala pang tao sa bahay nila dahil nga lumalakbay ang team Santa sa buong mundo para mag mall tour at guestings sa mga talk show. Pag sumwerte ka, andon nga si Santa sa bahay nila pero hindi mo pa rin maaring makuha ang regalo dahil napuyat si Santa at tatlong araw nang tulog. Wag na lang diba.

Sa panahong ngayon, kung ikaw yung tipong tao na hindi naniniwala kay Santa, malamang kanino ka pa hihiling ng regalong pampasko kundi sa magulang, mahal sa buhay o kanino pa? Edi sa Diyos. Rinding-rindi na siguro siya sa sankaterbang hiling ng mga tao na ultimo lucky number na pantaya sa lotto hiningi na sa Kanya.

Ako, sa totoo lang, hindi ko kailangan talaga ng materyal na bagay para matuwa ako sa pasko. Hindi ko naman talaga gusto ang pasko dahil malungkot na araw ito para sa akin. Sana lang, magkaroon na ako ng “contentment” sa buhay ko kahit sa napa kasimpleng takbo nito. Sana din, magkaroon na ng “contentment” sa buhay ang mga magulang ko kahit sa napaka kumplikadong takbo nito. Sana sa dadating na pasko, masabi ko man lang sa sarili ko na masaya ako.

Teka, mabalik nga tayo kay Santa. O sige, pwede kong kunin mismo sa bahay nila yung regalong hinihiling ko. Iwawaldas ko ang pera ko makuha ko lang yon. Pero kaya niya kaya ibigay ang napaka gaan pero mukhang mabigat kong hiling na world peace?






Sunday, November 05, 2006

214

kayo na bahalang umintindi at umalala:

Field demo. Playground sa bene. Powder with water. Busmate. Batibot. MIRC. Kalabasa ni tin kaya nawala cellphone ko sa ATC. Pendong ni soleil. Parol contest. Eco week. #batch2002. @kC’yah. 14. stilnox. gradball. J&J. cheering. big Mcdo. Ralph’s party. Congo Grill.

Insocio. Duromine. Passenger Seat. NAIC. Man in the moon. San Mig. Erjohn bus. 8250. Mcdo-taft. kotse ni Harvey. The Legende. Baguio. Dark Beat. Barrel man. clumsy Gino. bar lapit sa AKIC. Chicken chicken. Fernando. World Trade. FX. Clinique Happy for Men. Kwentuhan. nail cutter. course cards. Chowking. Tas Trans bus. Cancer. Bob Ong. Binondo. Roxas Blvd. condo ni Jojay. Paotsin. Surprise despedida party. United Nations. I heart NY. Pizza Hut. heels. Marlboro Lights. -3. Mariah Carey. Boots ni Vin. Not so far. Subway. mapa ni rexarco. Yellow line. Statue of Liberty. Tacos. Sizzlers. fried chicken sa bulsa ni soky. bell boy. Jack Daniels. Singapore. Grad-wey-shun.

Cable Car. bakes. Rafs 77. Pansol. Zambales. Chikadee. Swimming. Garbage truck. Bahiling. Kapitan. salagubang. Kamote soup with noodles. Abra. Tanduay. henry. Love team. RB. Laki sa layaw ni jojay. Hell week namin ni soky. Amb. Manalo. sagot sa ilalim ng ilong. Follow da leader. Wari ng CSB chapter. MUNA. Thesis partner. Petron. COMELEC. Lolo.

CR. Starbucks. APAC. Canadian Embassy. Ruins. Black shoes. Zuma. Xmas party sa landco. German sausage. Silver na shorts. Playa calatagan. Rate yourself from 1-10. clubhouse sandwich. Mocha blends. Wifi. Xda buddy. Inhouse party. Baguio hits with poker. Mahiwaga. Aso sa st. Michaels. Yosi. Ginger spice. B69. valiums. Bahay ni noy. Hagdanan. Saturday fun machine. Small world. PR100. car wash sa pilar. Isaw. Red horse.

Wednesday, November 01, 2006

SATURDAY FUN MACHINE

May Saturday Fun Machine kaming sarili na ginagawa naming mga auxi tuwing sabado ng gabi pag retreat, pero ngayon ko lang nalaman (dahil nabasa ko sa libro ni Bob Ong) na may Saturday Fun Machine din pala sa channel 9 dati. Hindi ko alam kung ano ang meron sa Saturday Fun Machine sa TV noon pero sa amin, iba-ibang karakter ng tao ang ipapakita mo sa mga nanunuod. Pwede mong ipakita ang isang super hero, artista, principal, propesor o sino pa basta dapat maiintindihan ng mga nanunuod. Nakakatawa dapat.

Hindi ako mahilig sumali sa Saturday Fun Machine namin dahil wala naman akong maisip na karakter na mukhang bebenta sa mga tao. Dati kasi, kunwari ako yung na-rape na babae pero pinagbawal na, na gawin iyon dahil nga retreat. Minsan naman ako yung isa sa F4 (nung uso pa ang Meteor Garden). Hindi lumampas sa sampung beses (kung hindi ako nagkakamali) ko pa lang nagawa iyon. Pero bumenta, kahit ako natawa sa sarili ko.

Magkakagulo, pasiklaban ng powers (nakatunganga ka lang pag artista ka), tulakan, tawanan. Tapos dadating si tatay at papatulugin na kayo dahil ayaw niyang makita niyo na siya si Wolverine.

Madalas hindi na bumebenta mismo sa akin ang munting palabas naming yon dahil paulit-ulit at pare-pareho naman ang ginagawa at pinapakita. Pero minsan matatawa na lang ako kasi may lalabas bigla na katawa-tawang karakter na hindi ko naman kilala pero nakakatawa lang talaga. Yung tipong wala namang special powers, hindi naman artista pero yung paraan kung paano niya ipapakilala ang sarili niya, nakakatawa.

Sana nga may Saturday Fun Machine ulit na ipalabas sa TV kahit sa anong channel pa basta hindi cable (para mapanuod ng lahat ng tao). Pwede sa channel 7 para kahit sa mga bus na may TV pwede mapanuod. Channel 7 lang kasi ang pinapalabas sa TV ng mga bus dahil yon ang may pinaka-malinaw na reception. FYI lang. (Alam ko yon dahil nag ba-buss ako kaya wag ka nang kumontra!) Tapos kasali yung mga di kilalang tao at ipapakita nila kung sinong karakter sila. Dapat nakakatawa parin, sa madaling salita dapat kilala ang karakter na ipapakita nila. Shempre hindi mawawala si PGMA, si Tita Shawie, si Ate Guy, Zsa Zsa at ultimo si Ate V.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumali sa palabas na yon, sinong karakter ang ipapakita mo? Wag kang magkakamaling si PGMA dahil nakakasawa na. Pwde pa siguro si Mike Enriquez dahil kahit papano, nakakatawa talaga siya. O kaya si Michael Fajatin, isang tulirong reporter ng channel 7. O sige na nga.. si Ate V na din.

Pwde rin siguro sumali doon si Gloria tapos gagayahin niya si Ate V. Malamang benta yon dahil pareho naman silang may nunal at may hawig ang iba nilang galaw. May tipong, “my brother is not a pig, he is a HORSE!” o kaya “bra-ta-tat..ta..TAT!” (ahahahahahahaha) O kaya si Korina Sanchez na gagayahin si Mel Tiangco! Ahahahahaha (pwede tumawa?)

Hindi talaga pwede malaos ang mga ganyang trip kung saan, nag-gagayahan ng tauhan sa palabas. Kahit kami-kami sa circle of friends ko, hindi pwedeng hindi masingit ang gayahan lalo na pag boring ang araw. Ultimo mga bakla sa stand-up comedy bars nakikigaya din para mas lalong katawa-tawa ang palabas. Minsan nga, ginaya ng isang bakla si Manny Pacquiao. Kumanta siya ng Ang Laban na Ito ay Para Sa’yo with matching kama-o. At nangalay ang panga ko sa kakatawa! Pramis, benta.

Basta dapat magka ganong palabas na sa TV at para mabawasan naman ang oras ko sa labas ng bahay.

Sana din madagdagan ng nakakatawang karakter sa Saturday Fun Machine namin sa retreat para mabawasan ang oras ko na nakatunganga.

~the end~

Monday, September 18, 2006

SHARING

Tuwing retreat, hindi mawalala ang usapang pamilya, pagmamahal, at ambisyon. Tuwing inuman, hindi mawawala ang usapang love life, samaan ng loob at kalungkutan. Tuwing kwentuhan, hindi mawawala ang usapang may tawanan, iyakan at murahan. Sa dina-daming beses na nakipagkwentuhan ako, mabibilang ko lang ata ang beses na sinambit ko ang usapang pamilya.

Ilang buwan na din na ganito ang “setup” ng aming pamilya. Nasa bording house tumutuloy ang kuya ko(malapit daw sa eskwelahan niya), busy sa pagpapagawa ng bahay ang tatay ko, sunod-sunod naman ang duty sa ospital ng nanay ko, at araw-araw naman akong wala sa bahay dahil sa trabaho, eskwela at iba pa. Nang bumalik ang tatay ko galing sa barko, isang beses pa lang ata kami kumain sa labas. Father’s day yon kung hindi ako nagkakamali. Ngayon, nagbabalak na ulit sumakay sa barko si daddy. Ngayon, bilang na lang sa isang kamay kung ilang beses kami kumain at nagsimba ng sabay-sabay. Minsan, di ko mapigilan malungkot. Isang umaga, katok ng katok ang nanay ko sa pintuan ng kwarto ko. Irirtang-irita ako dahil akala ko ginigising lang ako, yun pala nagpapatulong. Bantayan ko daw tatay ko dahil nahihilo, di makabangon……. Nang malaman kong may sakit ang tatay ko, nagkataon ding nagkasabay kaming kumain ng hapunan (wala ang kuya ko shempre). Dun ko napansin na matanda na nga talaga ang nanay at tatay ko. “Shet, andami na niyang putting buhok!” Matagal-tagal na ngang di ko sila napagmamasdan at nagulat ako sa itsura nila. Dun nag “sink-in” sakin na madami nang bagay ang dumaan..lumipas..at nagbago sa amin. Matanda na sila mommy at daddy, paano yan?

Di pa kaya ng sweldo ko na suportahan ang aming gastusin, di pa tapos sa kolehiyo ang kuya ko, marami pang luho ang pamilya ko na di pa natatanggal sa sistema namin. Paano yan kung di na kaya magbanat ng buto ang mga magulang ko? Saan kami pupulutin ng kuya ko.. sa kangkungan? (shiets) Pakiramdam ko kasi, patagal-ng-patagal, nagiging “fragile” na ang mga magulang ko. Pakiramdam ko, d sila pwede magpagod dahil baka magkasakit sila bigla. Nakakatakot kaya yon!

Kung tatanungin ako, wala nang ibang isyu sa buhay ko ngayon kundi ang katayuan ng pamilya ko. Malungkot e. Dati-rati, sumasabay pa akong magsimba kasama nanay ko, ngayon hindi na talaga. Dati-rati, sumasabay akong kumain sa tatay ko, ngayon hindi na talaga. Dati-rati, nakikipagtalo pa ako sa mga tao sa bahay sa kung anong palabas sa TV ang papanuodin namin, ngayon hindi na talaga. Sa dami kong ginagawa, di ko namamalayan madami akong nakakaligtaan sa buhay ko.

Pare, namimiss ko na ata sila…


Saturday, June 24, 2006

World Cup vis-à-vis the United Nations

My officemate once asked me if what’s my team in World Cup, I was baffled because I was never a fan of such tournament. While scanning my friendster, one of my classmates (CDA people from college) posted an article made by Kofi Annan who is the Secretary General of United Nations. I thought it’s very inspiring especially for those from the diplomatic world.


At the United Nations, how we envy the World Cup
BY KOFI A. ANNAN 11 June 2006

YOU may wonder what a secretary general of the United Nations is doing writing about football. But in fact, the World Cup makes us at the United Nations green with envy. As the pinnacle of the only truly global game, played in every country by every race and religion, it is one of the few phenomena as universal as the United Nations. You could even say it’s more universal.

Fifa has 207 members; we have only 191. But there are far better reasons to be envious. First, the World Cup is an event in which everybody knows where their team stands, and what it did to get there. They know who scored and how and in what minute of the game; they know who missed the open goal; they know who saved the penalty.

I wish we had more of that sort of competition in the family of nations. Countries openly vying for the best standing in the table of respect for human rights, and trying to outdo one another in child survival rates or enrolment in secondary education. States parading their performance for all the world to see. Governments being held accountable for what actions led them to that result.

Second, the World Cup is an event that everybody on the planet loves talking about, dissecting what their team did right, and what it could have done differently — not to mention the other side’s team. People sitting in cafes anywhere from Buenos Aires to Beijing debate the finer points of games endlessly, revealing an intimate knowledge not only of their own national teams but of many of the others too, expressing themselves on the subject with as much clarity as passion.

Normally tongue-tied teenagers suddenly become eloquent, confident, and dazzlingly analytical experts. I wish we had more of that sort of conversation in the world at large. Citizens consumed by the topic of how their country could do better on the Human Development Index, or in reducing the amount of carbon emissions or the number of new HIV infections. Third, the World Cup is an event that takes place on a level playing field, where every country has a chance to participate on equal terms. Only two commodities matter in this game: talent and teamwork.

I wish we had more levellers like that in the global arena. Free and fair exchanges without the interference of subsidies, barriers or tariffs. Every country getting a real chance to field its strengths on the world stage. Fourth, the World Cup is an event that illustrates the benefits of cross-pollination between peoples and countries. More and more national teams now welcome coaches from other countries, who bring new ways of thinking and playing.

The same goes for the increasing number of players who, between World Cups, represent clubs away from home. They inject new qualities into their new team, grow from the experience, and are able to contribute even more to their home side when they return. In the process, they often become heroes in their adopted countries — helping to open hearts and broaden minds. I wish it were equally plain for all to see that human migration in general can create triple gains — for migrants, for their countries of origin and for the societies that receive them. That migrants not only build better lives for themselves and their families, but are also agents of development — economic, social and cultural — in the countries they go and work in, and in the homelands they inspire through newly won ideas and know-how when they return.

For any country, playing in the World Cup is a matter of profound national pride. For countries qualifying for the first time, such as my native Ghana, it is a badge of honour. For those who are doing so after years of adversity, such as Angola, it provides a sense of national renewal. And for those who are currently riven by conflict, like Ivory Coast, but whose World Cup team is a unique and powerful symbol of national unity, it inspires nothing less than the hope of national rebirth. Which brings me to what is perhaps most enviable of all for us at the United Nations: The World Cup is an event in which we actually see goals being reached. I’m not talking only about the goals that a country scores; I also mean the most important goal of all — being there, being part of the family of nations and peoples, celebrating our common humanity. I’ll try to remember that when Ghana plays Italy in Hannover on June 12. Of course, I can’t promise I’ll succeed.

Kofi A. Annan is Secretary General of the United Nations. This article first appeared in the International Herald Tribune

Wednesday, April 26, 2006

20060422

It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the night. It’s all about planning your life ahead, losing your dream and letting go the things that were not meant for you. I have this feeling that I was planned to stay home and watch that movie for me to realize a lot of things that I don’t understand personally. It was a happy-ending story but I ended up crying. I cried because I felt the emotion of the lead character. I cried because I felt that my life was a bit similar to Stacey’s. I cried because I was moved.

I’m turning 21 this August, I graduated last year, I got a job a month later and now I have my own savings in my account. I’m single but not searching at the moment. I don’t know if I’m in the right path but I’m pretty sure that I’m still stable. I am looking forward for a better opportunity someday and I know that I should strive harder to get it.

Early this year, I’ve been in a transition stage of my life. God really challenged my strength and I must say that it was very arduous and all. I went through volatility. Beer again became my best bud as well as my other vices. I must say that, that was the hardest part of my story. However, He still helped me to survive. He gave me everything I needed, except one thing that I know was really not for me. I then learned that my whole life, I was just preparing myself for the best. Mistakes, rough moments that I underwent were all meant for me. The times that I thought it was the end of the world and all. The times that I thought I was the saddest person on earth. Those were the times that I thought I had to cry because the best thing I wanted is gone. But as a matter of fact, the best thing is just on its way.

Ironically, I even wanted to thank my boss for scolding me one time because that pushed me to work harder. Work harder means more money. Yahey! Ahahahaha!!

Someone asked me if what’s my top most priority at the moment. I said career. Yes, that’s right. I want to make more money for my future. And with that, I can pay somebody to make me happy. *wink

Monday, March 27, 2006

Isang Daan = Piso


Malaki na daw ang halaga ng cinco sentimos noon. Lalo naman ata ang sinkwenta pesos. Naalala ko sabi ni ermat, mahal na daw ang isang daang piso noon. Pero ngayon, parang piso na lang ang halaga nito. Paano pa kaya ang halaga ng isang-daan sa susunod na henerasyon? Di mo na namamalayan, papel na ang pambayad sa dyip at traysikel. At hindi na uso ang suklian na barya sa tindahan.

Sabi ko nga, parang kailan lang… limang piso lang busog ka na sa saba con yelo pang merienda. Parang kailan lang, dalawang piso lang ang pinambabayad sa pamasahe. Parang kailan lang, malutong na limang piso lang ang pinamimigay na pamasko sa mga inaanak.

Minsan nga pag nanunuod ako ng isang milyong pa premyo sa tv. Parang gusto kong sigawan iyong host na.. HOI! HINDI NA UUBRA ANG ISANG MILYON NIYO! Parang.. “helloooooo? 1 million is like… whaaaat-evr!” ahahaha. (joke lang!) Diba? Diba? Diba? Antagal na ng isang milyon na yan e.. sana naman gawin na nilang isang milyon at tatlong piso ang premyo para mas exciting! Pero oo na.. sige na, saan ka nga naman dudukot pandagdag sa isang milyon e ang hirap hirap na nga ng buhay ngayon.. Pero, pucha!! Bakit ka ba nakekealam?!

Naku, siguradong daan-daang libo na ang tuition fee ng kolehiyo pagdating ng panahon! Kaya nga sabi ko sa nanay ko, pag ako nagka-anak, pang tatlong taon lang ng kurso at sa public iskul ko lang siya papaaralin noh! Hindi pepwede sa akin ang masteral o trimester na unibersidad! Naku naku naku! Huwag siyang maluho baka gusto niya wag ko na siya paaralin! Ahahaha joke lang ulit.

Sabi nga ng ka-opisina ko.. “naku mam! 1.5million lang po! Murang mura na po iyon..” eh.. (ano kamo?) murang-mura? E kamuntikan na ngang mapamura iyong kliyente sa presyo e. ahahahaha!

Ganoon nga talaga ang panahon. Habang tumatagal, nagmamahal ang pamumuhay ng mga tao. Pero, ganoon pa din ang presyo ng sweldo sa trabaho. Badtrip.

Un lang.

Wednesday, March 08, 2006

.....

Ano na ba balita sa radyo at tv? Ang una kong nabalitaan, nag diklara ng “State of Emergency” si PGMA tapos ang sunod ko nang nabalitaan sa nanay ko, bakla daw si Rustom. Aba! Aba! Aba! Teka… May koneksyon ba ang dalawang balita na nakuha ko? Ahahaha biro lang.

Nakatanggap ako ng text nung isang araw, 13days daw pagtapos manalo si Pacquiao, nagka stampede sa ULTRA. 13days ulit, nagka-landslide naman sa Leyte. At pagtapos ng 13days ulit, BAKLA SI RUSTOM! Huwaaaat? (patay tayo jan!) biro lang.. peace tayo Carmina! Ahahaha labo……


International Women’s Month ang buwan ng Marso. E ano ngayon? Wala man lang party.. hasel!

Life Begins @ Forty

At this age, I always remind myself to keep my feet on the ground and never forget where I came from. I once read, “By not forgetting where ...